TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"GUIDANCE TO MARRIAGE
AND TEMPTATIONS"
LENTEN SEASON
"Umalis
si Jesus sa Jordan, puspos ng Espiritu Santo. Dinala siya ng Espiritu
doon sa ilang, as sa loob ng apatnapung araw ay tinukso ng diyablo.
Hindi sika kumain sa buong panahong iyon, kaya't gutom na gutom siya."
Lucas 4:1-2
"Tungkol
sa magkatipan na magkasundong hindi pakakasal, kung inaakal ng lalaki
na ito'y hindi marapat sa kanyang katipan, at kung masidhi ang kanyang
pagnanasa, at dahil dito'y kailangang pakasal sila, ituloy nila ang dati
nilang balak: pakasal sila hindi ito kasalanan." 1Corinto 7:36
Ito
naman ang masasabi ko sa walang asawa at babaing balo: mabuti pa sa
kanila ang manatiling walang asawa tulad ko. Ngunit kundi sila
makapagpigil sa sarili ay magasawa sila; higit na mabuti ang magasawa
kaysa magkasala." 1Corinto 7:8-9
"Sa mga may asawa, ito ang iniuutos ko sa inyo--hindi ako kundi ng
Panginoon--huwag makipaghiwalay ang babae sa kanyang asawa. Kung siya'y
hihiwalay, manatili siyang walang asawa o kaya'y makipagkasundo sa
asawa. At huwag namang hihiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa."
1Corinto 7 10-11
"Dapat
maging banal at marangal ang layunin ng sinuman sa kanyang pagaasawa,
at hindi pagsunod sa pita ng laman, tulad ng inaasal ng mga taong hindi
nakakikilala sa Diyos." "Tayo'y tinawag ng Diyos upang mamuhay sa
kalinisan at hindi sa kahalayan." 1Tesalonica 4:4-5, 7
"Hindi
maikakaila ang gawa ng laman: pangangalunya, karimarimarim na
pamumuhay, kahalayan, pagsamba sa diyus-diyusan, pangkukulam, pagkapoot,
pagkagalit, paninibugho, kasakiman, pagkakabaha bahagi, pagkakampi
kampi, pagkainggit, paglalasing at walang taros na saya." Galacia
5:19-21
"Subalit ang bunga ng espiritu ay pag-ibig,
kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihangn, katapatan,
kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang utos sa ganitong bagay."
Galacia 5:22
Lucas
Chapter 4:1-12
Tinukso ng Diyablo si Jesus
4 1
Mula sa Jordan, bumalik si Jesus na puspos ng Espiritu Santo. Dinala
siya ng Espiritu sa ilang 2 at sa loob ng apatnapung araw ay tinukso
siya ng diyablo. Hindi siya kumain ng anuman sa buong panahong iyon,
kaya't siya'y nagutom. 3 Sinabi sa kanya ng diyablo, “Kung ikaw nga ang
Anak ng Diyos, iutos mong maging tinapay ang batong ito.” 4 Ngunit
sinagot ito ni Jesus, “Nasusulat, ‘Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang
tao [kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Diyos].’”
5
Dinala siya ng diyablo sa isang mataas na lugar, at sa isang saglit ay
ipinakita sa kanya ang lahat ng kaharian sa daigdig. 6 Sinabi ng
diyablo, “Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kapangyarihan at kadakilaan ng
mga ito. Ipinagkaloob ang lahat ng ito sa akin, at maaari kong ibigay
kung kanino ko gusto. 7 Kaya't kung ako'y sasambahin mo, magiging iyo na
ang lahat ng ito.” 8 Sumagot si Jesus, “Nasusulat, ‘Ang Panginoon mong
Diyos ang dapat mong sambahin, at siya lamang ang dapat mong
paglingkuran.’”
9
Dinala siya ng diyablo sa taluktok ng Templo sa Jerusalem at sinabi sa
kanya, “Kung ikaw nga ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka 10 dahil
nasusulat, ‘Sa kanyang mga anghel, ika'y ipagbibilin, sila'y uutusan
upang ikaw ay ingatan,’ 11 at ‘Aalalayan ka ng kanilang mga kamay, nang
sa mga bato, paa mo'y hindi masaktan.’” 12 Subalit sinagot siya ni
Jesus, “Nasusulat, ‘Huwag mong subukin ang Panginoon mong Diyos!’”
7
25 Tungkol naman sa mga walang asawa, wala akong maibibigay na utos
mula sa Panginoon. Ngunit magbibigay ako ng aking opinyon bilang isang
taong dahil sa habag ng Diyos ay mapagkakatiwalaan.
26
Dahil sa matinding kahirapan sa kasalukuyan, inaakala kong mabuti pa sa
isang tao ang manatili sa kanyang kalagayan. 27 Ikaw ba'y isang
lalaking may asawa na? Huwag kang makipaghiwalay. Wala ka pa bang asawa?
Huwag mo nang hangaring magkaasawa. 28 Ngunit kung ikaw ay mag-aasawa,
hindi ka nagkakasala. Kung ang isang dalaga ay mag-asawa, hindi rin siya
nagkakasala. Ngunit ang nag-aasawa ay magdaranas ng mga kahirapan sa
buhay na ito, at iyan ang nais kong maiwasan ninyo.
29
Mga kapatid, ito ang ibig kong sabihin: malapit na ang wakas ng
panahon, kaya't mula ngayon, ang may asawa ay mamuhay na parang walang
asawa; 30 ang mga nananangis, na parang di nananangis; ang mga
nagagalak, na parang di nagagalak; ang mga bumibili, na parang walang
ari-arian, 31 at ang mga gumagamit ng mga bagay ng sanlibutan, na para
bang hindi nangangailangang gamitin ang mga ito. Sapagkat ang lahat ng
bagay sa daigdig na ito'y hindi na magtatagal.
32
Nais kong mailayo kayo sa mga alalahanin sa buhay. Ang
pinagkakaabalahan ng lalaking walang asawa ay ang mga gawaing ukol sa
Panginoon—kung paano niya mabibigyan ng kaluguran ang Panginoon. 33
Ngunit ang pinagkakaabalahan ng lalaking may asawa ay ang mga bagay ng
sanlibutang ito—kung paano niya mabibigyang kaluguran ang kanyang asawa.
34 Dahil dito'y hati ang kanyang malasakit. Gayundin naman, ang
pinagkakaabalahan ng isang babaing walang asawa o ng isang dalaga ay ang
mga bagay ukol sa Panginoon, sapagkat nais niyang maitalaga ang kanyang
katawan at espiritu sa Panginoon. Subalit ang pinagkakaabalahan ng
babaing may-asawa ay ang mga bagay ng sanlibutang ito—kung paano niya
mabibigyang kaluguran ang kanyang asawa.
35
Sinasabi ko ito upang matulungan kayo. Hindi ko kayo hinihigpitan; ang
nais ko'y maakay kayo sa maayos na pamumuhay at nang lubusan kayong
makapaglingkod sa Panginoon.
36
Kung inaakala ng isang lalaki na nagkakaroon siya ng masidhing
pagnanasa sa kanyang katipan, at dahil dito'y kailangang pakasal sila,
pakasal na sila. Ito ay hindi kasalanan. 37 Ngunit kung ipinasya niyang
huwag pakasalan ang kanyang kasintahan at hindi naman siya napipilitan
lamang at siya'y may lubusang pagpipigil sa sarili, mabuti ang ganitong
kapasyahan. 38 Kaya nga, mabuti ang magpasyang pakasalan ang kanyang
kasintahan, ngunit mas mabuti ang hindi mag-asawa. 39 Ang babae ay
nakatali sa kanyang asawa habang nabubuhay ito. Kapag namatay ang
lalaki, ang babae ay malaya nang mag-asawa sa sinumang maibigan niya,
ngunit dapat ay sa isa ring nananampalataya sa Panginoon. 40 Subalit sa
aking palagay, higit siyang magiging maligaya kung mananatili siya sa
kanyang kalagayan bilang biyuda. Iyan ang palagay ko, at sa palagay ko
nama'y nasa akin din ang Espiritu ng Diyos.
1Corinto
Chapter 7:1-16
Mga Suliranin ukol sa
Pagaasawa
7 1
Tungkol naman sa inyong sulat, ganito ang masasabi ko: Mabuti sa isang
tao na huwag makipagtalik. 2 Ngunit dahil sa lumalaganap na pakikiapid,
bawat lalaki o babae ay dapat magkaroon ng sariling asawa. 3 Dapat
tuparin ng lalaki ang tungkulin niya sa kanyang asawa, at gayundin naman
ang babae. 4 Sapagkat hindi na ang babae ang may karapatan sa sarili
niyang katawan kundi ang kanyang asawa. Gayundin naman, hindi na ang
lalaki ang may karapatan sa sarili niyang katawan kundi ang kanyang
asawa. 5 Huwag ninyong ipagkait ang inyong sarili sa isa't isa, maliban
na lamang kung napagkasunduan ninyong huwag munang magsiping sa maikling
panahon upang maiukol ninyo ang inyong mga sarili sa pananalangin.
Ngunit pagkatapos, muli kayong magsiping upang hindi kayo matukso ni
Satanas dahil sa hindi na kayo makapagpigil.
6 Ang sinabi ko'y hindi
utos kundi pag-unawa sa inyong kalagayan. 7 Nais ko sanang ang bawat isa
ay makatulad ko. Ngunit ang bawat tao'y may kanya-kanyang kaloob mula
sa Diyos at ang mga ito'y hindi pare-pareho.
8 Ito naman ang masasabi ko
sa mga walang asawa at sa mga biyuda: mabuti pa sa kanila ang
manatiling katulad ko na walang asawa. 9 Ngunit kung hindi sila
makapagpigil sa sarili, mag-asawa na lang sila; mas mabuting mag-asawa
kaysa hindi makapagpigil sa matinding pagnanasa. 10 Sa mga may asawa,
ito ang iniuutos ng Panginoon, hindi ako: huwag makipaghiwalay ang babae
sa kanyang asawa. 11 Ngunit kung siya'y hihiwalay, manatili siyang
walang asawa, o kaya'y muling makipagkasundo sa kanyang asawa. At huwag
din namang hihiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa.
12 Sa iba naman, ito
ang sinasabi ko, ako ang nagsasabi at hindi ang Panginoon: kung ang
isang lalaking mananampalataya ay may asawang di-mananampalataya at nais
nitong patuloy na makisama sa kanya, huwag niya itong hiwalayan. 13
Kung ang isang babaing sumasampalataya ay may asawang hindi
sumasampalataya at nais ng lalaking magpatuloy ng pakikisama sa kanya,
huwag siyang makipaghiwalay. 14 Sapagkat ang lalaking hindi pa
sumasampalataya ay itinatalaga sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang asawa,
at ang babaing hindi pa sumasampalataya ay itinatalaga sa Diyos sa
pamamagitan ng kanyang asawa. Kung hindi gayon ay magiging marumi sa
paningin ng Diyos ang kanilang mga anak; ngunit ang totoo, ang mga ito
ay itinatalaga sa Diyos. 15 Kung nais namang humiwalay ng asawang
di-mananampalataya sa kanyang asawang sumasampalataya, hayaan ninyo
siyang humiwalay. Sa gayong mga pagkakataon, ang naturang kapatid ay
malaya. Tinawag kayo ng Diyos upang mamuhay nang mapayapa. 16 Anong
malay ninyo, mga babae, baka kayo ang maging kasangkapan sa ikaliligtas
ng inyong asawa? At kayong mga lalaki, anong malay ninyo, baka kayo ang
maging kasangkapan sa ikaliligtas ng inyong asawa?
1Tesalonica
Chapter 4:1-12
Buhay na nakakalugod sa Diyos
4
1 Kaya nga, mga kapatid, isa pang bagay ang ipinapakiusap namin at
ipinapayo sa inyo sa pangalan ng Panginoong Jesus. Sana'y lalo pa
ninyong pagbutihin ang inyong pamumuhay ngayon, sang-ayon sa inyong
natutunan sa amin, upang kayo'y maging kalugud-lugod sa Diyos. 2 Alam
naman ninyo kung ano ang mga katuruang ibinigay namin sa inyo buhat sa
Panginoong Jesus. 3 Kalooban ng Diyos na kayo'y maging banal at lumayo
sa lahat ng uri ng kahalayan. 4 Dapat maging banal at marangal ang
pakikitungo ng bawat isa sa kanyang asawa, 5 at hindi upang masunod
lamang ang pagnanasa ng laman tulad ng inaasal ng mga Hentil na hindi
nakakakilala sa Diyos. 6 Sa bagay na ito, huwag ninyong gawan ng masama
at dayain ang inyong kapatid, sapagkat paparusahan ng Panginoon ang
gumagawa ng ganitong kasamaan, tulad ng mahigpit naming babala sa inyo
noon. 7 Tayo'y tinawag ng Diyos upang mamuhay sa kabanalan, hindi sa
kahalayan. 8 Kaya, ang sinumang humamak sa aral na ito ay humahamak,
hindi sa tao, kundi sa Diyos na siyang nagkakaloob sa atin ng kanyang
Espiritu Santo.
9
Tungkol naman sa pag-ibig na dapat iukol sa mga kapatid, hindi na
kailangang paalalahanan pa kayo dahil itinuro na sa inyo ng Diyos kung
paano kayo magmahalan. 10 At ito na nga ang ginagawa ninyo sa mga
kapatid sa buong Macedonia. Gayunman, ipinapakiusap pa rin namin sa
inyo, mga kapatid, na pag-ibayuhin pa ninyo ang inyong pag-ibig. 11
Pagsikapan ninyong mamuhay nang tahimik, pag-ukulan ninyo ng pansin ang
sariling gawain at hindi ang sa iba. Maghanapbuhay kayo tulad ng itinuro
namin sa inyo. 12 Dahil dito, igagalang kayo ng mga hindi
mananampalataya at hindi na ninyo kailangang umasa sa iba.
Galacia
Chapter 5:16-26, 22
Ang Espiritu at Kalikasan ng Tao
5
16 Sinasabi ko sa inyo, mamuhay kayo ayon sa Espiritu at hindi ninyo
pagbibigyan ang mga pagnanasa ng laman. 17 Sapagkat ang mga pagnanasa ng
laman ay laban sa kagustuhan ng Espiritu, at ang kagustuhan ng Espiritu
ay laban sa mga pagnanasa ng laman. Magkalaban ang dalawang ito kaya
napipigilan kayo sa paggawa ng nais ninyong gawin. 18 Kung
pinapatnubayan kayo ng Espiritu, wala na kayo sa ilalim ng Kautusan.
19
Hindi maikakaila ang mga gawa ng laman: pakikiapid, kahalayan at
kalaswaan; 20 pagsamba sa diyus-diyosan, pangkukulam, pagkapoot,
pag-aaway-away, pagseselos, pagkakagalit at kasakiman, pagkakampi-kampi
at pagkakabaha-bahagi, 21 pagkainggit, [pagpatay] paglalasing, walang
habas na pagsasaya, at iba pang katulad nito. Muli ko kayong binabalaan:
ang gumagawa ng mga ito ay hindi magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng
Diyos.
22 Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan,
pagtitiyaga, kabaitan, kabutihan, katapatan, 23 kahinahunan, at
pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ganito. 24 At ipinako na
sa krus ng mga nakipag-isa kay Cristo Jesus ang kanilang laman at ang
masasamang hilig nito. 25 Kung binigyan tayo ng buhay ng Espiritu,
mamuhay rin tayo ayon sa Espiritu. 26 Huwag tayong maging palalo, huwag
nating galitin ang isa't isa, at huwag rin tayong mainggit sa isa't isa.
THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 128:1-5
The Ned of Gods Blessings
127
1 Malibang itayo ng Panginoon ang bahay, walang kabuluhang nagsisigawa
ang nagtatayo: malibang ingatan ng Panginoon ang bayan, walang
kabuluhang gumigising ang bantay. 2 Walang kabuluhan sa inyo na kayo'y
magsibangong maaga, at magpahingang tanghali, at magsikain ng tinapay ng
kapagalan: sapagka't binibigyan niyang gayon ng pagkakatulog ang
kaniyang minamahal. 3 Narito, ang mga anak ay mana na mula sa Panginoon:
at ang bunga ng bahay-bata ay kaniyang ganting-pala. 4 Kung paano ang
mga pana sa kamay ng makapangyarihang lalake, gayon ang mga anak ng
kabataan. 5 Maginhawa ang lalake na pumuno ng kaniyang lalagyan ng pana
ng mga yaon: sila'y hindi mapapahiya, pagka sila'y nakikipagsalitaan sa
kanilang mga kaaway sa pintuang-bayan.
0 comments:
Post a Comment