TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
PAKINGGAN ANG SALITA NG DIYOS
AT MANATILI SA MABUTI
"Noon
ding araw na iyon, si Jesus ay lumabas ng bahay at naupo sa tabi ng
lawa. Pinagkalipumpunan siya ng makapal na tao, kaya lumulan siya sa
isang bangka at doon naupo. At nagturo siya ng maraming bagay sa
pamamagitan ng talinghaga." "Ang may pandinig ay makinig!.. Mateo
13:1-3, 9
"Nagsasalita
ako sa kanila sa pamamagitan ng talinghaga, sapagkat tumingin sila
ngunit hindi nakakikita. at nakikinig ngunit hindi nakarrinig ni
nakaunawa. Natupad nga sa kanila ang hula ni Isaias na nagsabi:
'Makinig man kayo nang makinig, hindi kayo makauunawa, At tumingin man
kayo nang tumingin, hindi kayo makakikita. Sapagkat naging mapurol ang
isip ng mga taong ito; Mahirap makarinig ang kanilang mga tainga, At
ipinikit nila ang knilang mga mata. Sapagkat ayaw nilang makakita ang
kanilang mga mata, Makarinig ang kanilang mga tainga, Makaunawa ang
kanilang mga isip, At magbalik loob sa akin, At pagalingin ko sila, sabi
ng Panginoon." Mateo 13:13-15
"Hindi
sila sumasampalataya, sapagkat ang kanilang isip ay binulag ng diyos ng
daigdig na ito. Sila'y binulag nito upang hindi nila makita ang liwanag
ng Mabuting Balia tungkol sa kaningningan ni Cristo na siyang larawan
ng Diyos. "2Corinto 4:4
"kaya't ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig; at makakapakinig lamang kung may mangangaral tungkol kay Cristo."Roma 10:17
"Kaya't
talikdan ninyo ang inyong maruruming gawa at alisin ang masasamang
asal, at buong pagpapakumbabang tanggapin ang salia ng Diyos na natanim
sa inyong mag puso. Ito ang makapagliligtas sa inyo." Mamuhay kayo ayon
sa salita ng Diyos. Kung ito'y pinakikinggan lamang ninyo ngunit hndi
isinasagawa dindaya ninyo ang inyong sarili." Santiago 1:21-22
Mateo
Chapter 13:1-9
Ang Talinghaga Tungkol sa
Manghahasik
13
1 Noon ding araw na iyon, si Jesus ay lumabas ng bahay at naupo sa tabi
ng lawa. 2 Dahil sa dami ng taong lumalapit sa kanya, sumakay siya sa
isang bangka at doon naupo. Tumayo naman sa dalampasigan ang mga tao 3
at sila'y tinuruan niya ng maraming bagay sa pamamagitan ng mga
talinghaga. Ganito ang sinabi niya: “May isang magsasakang lumabas upang
maghasik. 4 Sa kanyang paghahasik ay may mga binhing nalaglag sa tabi
ng daan. Dumating ang mga ibon at tinuka ang mga iyon. 5 May mga binhi
namang nalaglag sa mabatong lupa. Dahil manipis lang ang lupa roon,
sumibol agad ang mga binhi, 6 ngunit natuyo agad ang mga ito nang
mabilad sa matinding init ng araw, palibhasa'y mababaw ang ugat. 7 May
mga binhi namang nalaglag sa may matitinik na halaman. Lumago ang mga
halamang matitinik at sinakal ng mga ito ang mga binhing tumubo doon. 8
Ngunit ang mga binhing nahasik sa matabang lupa ay namunga; may
tig-iisandaan, may tig-aanimnapu, at may tigtatatlumpu. 9 Makinig ang
may pandinig!”
Mateo
Chapter 13:1-9
Ang Layunin ng Talinghaga
1310
Lumapit ang mga alagad at tinanong si Jesus, “Bakit po kayo gumagamit
ng talinghaga sa kanila?” 11 Sumagot siya, “Ipinagkaloob sa inyo ang
karapatang maunawaan ang hiwaga tungkol sa kaharian ng langit, ngunit
hindi ito ipinagkaloob sa kanila. 12 Sapagkat ang mayroon ay bibigyan
pa, at lalong magkakaroon; ngunit ang wala, kahit ang kakaunting nasa
kanya ay kukunin pa. 13 Nagsasalita ako sa kanila sa pamamagitan ng
talinghaga sapagkat tumitingin sila ngunit hindi nakakakita, at
nakikinig ngunit hindi naman nakakarinig ni nakakaunawa man.
14 Natutupad nga sa kanila ang propesiya ni Isaias na nagsasabi,
‘Makinig man kayo nang makinig, hindi kayo makakaunawa kailanman, at
tumingin man kayo nang tumingin, hindi kayo makakakita kailanman. 15
Sapagkat naging mapurol na ang isip ng mga taong ito; mahirap makarinig
ang kanilang mga tainga, at ipinikit nila ang kanilang mga mata, kung
hindi gayon, sana'y nakakita ang kanilang mga mata, nakarinig ang
kanilang mga tainga, nakaunawa ang kanilang mga isip, at nagbalik-loob
sila sa akin, at pinagaling ko sila.’
16 “Subalit pinagpala kayo sapagkat nakakakita ang inyong mga mata at nakakarinig ang inyong mga tainga!
2Corinto
Chapter 4:1-15
Kayamanang Espiritwal sa
Sisidlang Putik
4
1 Dahil sa habag ng Diyos, ibinigay niya sa amin ang paglilingkod na
ito kaya't hindi humihina ang aming loob. 2 Tinalikuran namin ang lahat
ng lihim at kahiya-hiyang gawain. Hindi kami nanloloko ng mga tao, at
hindi namin pinipilipit ang salita ng Diyos. Sa halip, hayagan naming
ipinapangaral ang katotohanan. Kaya't maaari kaming suriin ninuman sa
harapan ng Diyos. 3 Kung may talukbong pa ang Magandang Balitang
ipinapahayag namin, ito'y may talukbong lamang sa mga napapahamak. 4
Hindi sila sumasampalataya sapagkat ang kanilang isip ay binulag ng
diyos ng kasamaan sa daigdig na ito, upang hindi nila makita ang liwanag
ng Magandang Balita tungkol sa kaluwalhatian ni Cristo na siyang
larawan ng Diyos. 5 Hindi namin ipinapangaral ang aming sarili, kundi si
Cristo Jesus bilang Panginoon. At kami ay lingkod ninyo alang-alang kay
Jesus. 6 Sapagkat ang Diyos na nag-utos na magkaroon ng liwanag sa
gitna ng kadiliman ay siya ring nagbigay liwanag sa aming isip upang
makilala namin ang kaluwalhatian ng Diyos na nahahayag sa mukha ni
Cristo.
7
Ngunit kaming pinagkalooban ng kayamanang espirituwal na ito ay tulad
sa mga palayok na gawa sa putik, upang ipakilala na ang dakilang
kapangyarihang ito ay sa Diyos, at hindi sa amin. 8 Kabi-kabilaan ang
pagpapahirap sa amin, ngunit hindi kami nalulupig. Kung minsa'y
nababagabag, ngunit hindi kami nawawalan ng pag-asa. 9 Inuusig kami,
ngunit hindi pinababayaan. Napapatumba kami, ngunit hindi lubusang
nailulugmok. 10 Lagi naming taglay sa aming katawan ang kamatayan ni
Jesus, upang sa pamamagitan ng aming katawan ay mahayag ang kanyang
buhay. 11 Habang kami'y nabubuhay, lagi kaming nabibingit sa kamatayan
alang-alang kay Jesus upang sa aming katawang may kamatayan ay mahayag
ang kanyang buhay. 12 Kaya't habang nagwawagi sa amin ang kamatayan,
nagwawagi naman sa inyo ang buhay.
13
Sinasabi ng kasulatan, “Nagsalita ako sapagkat ako'y sumampalataya.” Sa
ganoon ding diwa ng pananampalataya, nagsasalita kami dahil kami'y
sumasampalataya. 14 Sapagkat alam naming ang Diyos na muling bumuhay sa
Panginoong Jesus ay siya ring bubuhay sa amin kasama si Jesus, at
magdadala sa atin sa kanyang piling. 15 Ang lahat ng pagtitiis ko ay
para sa kapakanan ninyo upang sa pagdami ng mga nakakatanggap ng
kagandahang-loob ng Diyos, lalo pang dumami ang magpapasalamat sa
ikaluluwalhati niya.
Roma
Chapter 10:5-21
Ang Kaligtasan ay Para sa Lahat
10
5 Ganito ang isinulat ni Moises tungkol sa pagiging matuwid batay sa
Kautusan, “Ang tumutupad sa Kautusan ay mabubuhay ayon dito.” 6 Ngunit
ganito naman ang sinasabi tungkol sa pagiging matuwid batay sa
pananampalataya, “Huwag mong sabihin sa iyong sarili, ‘Sino ang aakyat
sa langit?’” upang pababain si Cristo. 7 “Huwag mo ring sabihin, ‘Sino
ang bababâ sa kailaliman?’” upang muling buhayin si Cristo.
8
Sapagkat ganito ang sinasabi, “Malapit sa iyo ang mensahe, nasa iyong
bibig at nasa iyong puso.” Ang tinutukoy dito'y ang salitang
ipinapangaral namin tungkol sa pananampalataya. 9 Kung ipahahayag ng
iyong bibig na si Jesus ay Panginoon at buong puso kang sasampalataya na
siya'y muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka. 10 Sapagkat
sumasampalataya ang tao sa pamamagitan ng kanyang puso at sa gayon ay
itinuturing na matuwid ng Diyos. Nagpapahayag naman siya sa pamamagitan
ng kanyang bibig at sa gayon ay naliligtas. 11 Sinabi nga ng kasulatan,
“Ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapapahiya.” 12 Kaya't
walang pagkakaiba ang katayuan ng Judio at ng Hentil. Iisa ang Panginoon
ng lahat at siya'y masaganang nagbibigay sa lahat ng tumatawag sa
kanya, 13 dahil sinasabi sa kasulatan, “Maliligtas ang lahat ng
tumatawag sa pangalan ng Panginoon.”
14
Paano naman sila tatawag sa kanya kung hindi sila sumasampalataya?
Paano sila sasampalataya kung wala pa silang napakinggan tungkol sa
kanya? Paano naman sila makakapakinig kung walang mangangaral sa kanila?
15 At paanong makakapangaral ang sinuman kung hindi siya isinugo? Tulad
ng nasusulat, “O kay gandang pagmasdan ang pagdating ng mga nagdadala
ng Magandang Balita!” 16 Ngunit hindi lahat ay sumunod sa Magandang
Balita, gaya ng sinulat ni Isaias, “Panginoon, sino ang naniwala sa
aming ibinalita?” 17 Kaya't ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig,
at ang pakikinig naman ay bunga ng pangangaral tungkol kay Cristo.
18
Subalit ang tanong ko'y ganito: Hindi kaya sila nakapakinig? Oo, sila'y
nakapakinig! Sapagkat nasusulat, “Abot sa lahat ng dako ang kanilang
tinig, ang sinasabi nila'y nakarating hanggang sa dulo ng daigdig.” 19
Ito pa ang isa kong tanong: Hindi kaya nakaunawa ang bansang Israel?
Noon pa man ay sinabi na ni Moises, “Gagamitin ko ang mga taong di man
lamang isang bansa upang kayo'y inggitin, gagamitin ko ang isang bansang
hangal upang kayo'y galitin.” 20 Buong tapang namang ipinahayag ni
Isaias, “Natagpuan ako ng mga hindi naghanap sa akin. Nagpahayag ako sa
mga hindi nag-usisa tungkol sa akin.”
21 Subalit tungkol naman sa Israel ay sinabi niya, “Buong maghapon akong nanawagan sa isang suwail at mapaghimagsik na bayan!”
Santiago
Chapter 1:19-27
Pakikinig at Pagsasagawa
1
19 Mga kapatid kong minamahal, unawain ninyo ito: maging alisto kayo sa
pakikinig, maingat sa pagsasalita at hindi agad nagagalit. 20 Dahil ang
galit ng tao ay hindi nakakatulong upang magawa kung ano ang ayon sa
kalooban ng Diyos. 21 Kaya't talikuran na ninyo ang inyong maruruming
gawa at alisin ang masasamang asal. Mapagpakumbabang tanggapin ninyo ang
salitang itinanim sa inyong puso. Ito ay may kakayahang magligtas sa
inyo.
22
Mamuhay kayo ayon sa salita ng Diyos. Kung ito'y pinapakinggan lamang
ninyo ngunit hindi isinasagawa, dinadaya ninyo ang inyong sarili. 23
Sapagkat ang nakikinig ng salita ngunit hindi sumusunod dito ay katulad
ng isang taong tumitingin sa salamin, 24 at pagkatapos makita ang sarili
ay umaalis at kinakalimutan ang kanyang anyo. 25 Ang taong
nagsasaliksik at nagpapatuloy sa pagsunod sa Kautusang ganap na
nagpapalaya sa tao ang pagpapalain ng Diyos sa lahat ng kanyang gawain.
Siya ang taong gumagawa at hindi siya katulad ng nakikinig lamang at
pagkatapos ay nakakalimot.
26 Kung inaakala ninuman na siya'y relihiyoso, ngunit hindi naman siya
marunong magpigil ng dila, dinadaya lamang niya ang kanyang sarili.
Walang kabuluhan ang kanyang pagiging relihiyoso. 27 Ang relihiyon na
dalisay at walang dungis sa harap ng ating Diyos at Ama ay ito:
pagtulong sa mga ulila at sa mga biyuda sa kanilang kahirapan, at
pag-iingat sa sarili upang huwag mahawa sa kasamaan ng mundong ito.
THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 50:6-23
The Acceptable Sacrifice
50 1
Ang makapangyarihang Dios, ang Dios na Panginoon, ay nagsalita, at
tinawag ang lupa mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog niyaon. 2
Mula sa Sion na kasakdalan ng kagandahan, sumilang ang Dios. 3 Ang
aming Dios ay darating at hindi tatahimik; isang apoy na mamumugnaw sa
harap niya, at magiging totoong malaking bagyo sa palibot niya. 4 Siya'y
tatawag sa langit sa itaas, at sa lupa upang mahatulan niya ang
kaniyang bayan: 5 Pisanin mo ang aking mga banal sa akin; yaong
nangakikipagtipan sa akin sa pamamagitan ng hain. 6 At ipahahayag ng
langit ang kaniyang katuwiran; sapagka't ang Dios ay siyang hukom.
(Selah) 7 Iyong dinggin, Oh aking bayan, at ako'y magsasalita; Oh
Israel, at ako'y magpapatotoo sa iyo: Ako'y Dios, iyong Dios. 8 Hindi
kita sasawayin dahil sa iyong mga hain; at ang iyong mga handog na
susunugin ay laging nangasa harap ko. 9 Hindi ako kukuha ng baka sa
iyong bahay, ni ng kambing na lalake sa iyong mga kawan. 10 Sapagka't
bawa't hayop sa gubat ay akin, at ang hayop sa libong burol. 11
Nakikilala ko ang lahat ng mga ibon sa mga bundok: at ang mga mabangis
na hayop sa parang ay akin. 12 Kung ako'y magutom ay hindi ko sasaysayin
sa iyo: sapagka't ang sanglibutan ay akin, at ang buong narito. 13
Kakanin ko ba ang laman ng mga toro, o iinumin ang dugo ng mga kambing?
14 Ihandog mo sa Dios ang haing pasasalamat: at tuparin mo ang iyong mga
panata sa Kataastaasan: 15 At tumawag ka sa akin sa kaarawan ng
kabagabagan; ililigtas kita, at iyong luluwalhatiin ako.
16
Nguni't sa masama ay sinasabi ng Dios, Anong iyong gagawin upang
ipahayag ang aking mga palatuntunan, at iyong kinuha ang aking tipan sa
iyong bibig? 17 Palibhasa't iyong kinapopootan ang pagtuturo, at iyong
iniwawaksi ang aking mga salita sa likuran mo. 18 Pagka nakakita ka ng
magnanakaw, pumipisan ka sa kaniya, at naging kabahagi ka ng mga
mapangalunya. 19 Iyong ibinubuka ang iyong bibig sa kasamaan, at ang
iyong dila ay kumakatha ng karayaan. 20 Ikaw ay nauupo, at nagsasalita
laban sa iyong kapatid; iyong dinudusta ang anak ng iyong sariling ina.
21 Ang mga bagay na ito ay iyong ginawa, at ako'y tumahimik; iyong
inisip na tunay na ako'y gayong gaya mo: nguni't sasawayin kita, at
aking isasaayos sa harap ng iyong mga mata. 22 Gunitain nga ninyo ito,
ninyong nangakalilimot sa Dios, baka kayo'y aking pagluraylurayin at
walang magligtas: 23 Ang naghahandog ng haing pasasalamat ay
lumuluwalhati sa akin; at sa kaniya na nagaayos ng kaniyang
pakikipagusap aking ipakikita ang pagliligtas ng Dios.
0 comments:
Post a Comment