Ang Salita ni Jesus ang Hahatol Juan Chapter 12:44-50
Ang Bagong Buhay kay Cristo Efeso Chapter 4:17-32
Ang Wastong Aral Tito Chapter 2:1-15Ibigin ang mga Kaaway Lucas Chapter 6:27-36
Huwag Humatol sa Kapatid Santiago Chapter 4:11-12
Paghatol sa Kapwa Lucas Chapter 6:37-42
Huwag Humatol sa Kapatid Santiago Chapter 4:11-12
Paghatol sa Kapwa Lucas Chapter 6:37-42
TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"ANG GABAY NA KATARUNGAN NG DIYOS SA
PAMAMAGITAN NG PANGINOONG KRISTO HESUS O
MABUTING BALITA "
"May
hahatol sa sinumang nagtakwil sakin at hindi tumanggap sa aking mga
salita: ang salitang ipinahayag ko ang hahatol sa kanya sa huling araw."
Juan 12:48
"Magbago
na kayo ng diwa at pagisip; at ang dapat makita sa inyo'y ang bagong
pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, kalarawan ng kanyang katuwiran
at kabanalan. Huwag ninyong bigyan ng pagkakataon ang diyablo" Efeso
4:23-24, 27
"Sapagkat
inihayag ng Diyos ang kanyang kagandahang loob na nagdudulot ng
kaligtasan sa lahat ng tao. Ito ang siyang umaakay sa atin upang
talikdan ang ang likong pamumuhay at damdaming makalaman. Kaya't
makapamumuhay tayo nayon ng maayos, matuwid at karapat dapat sa Diyos "
Tito 2:11-12
"Maging mahabagin kayo gaya ng inyong Ama." Lucas 6:36
"Huwag
kayong magsiraan , mga kapatid. ang namumula o humahatol sa kanyang
kapatid ay namumula at humahatol sa kauutusan . At kung hinahatulan mo
ang Kautusan, hindi ka na isang tagatupad ng Kautusan kundi isang
hukom. Iisa ang nagbigay ng Kautusan at siya rin ang hukom. Tanging
siya ang may kapangyarihang magligtas at pumuksa. Ngunit ikaw sino ka
upang humatol sa inyong kapwa." Santiago 4:11-12
"Bakit
mo nakikita ang puwing ng iyong kapatid, ngunit hindi mo pinapansin ang
tahilan ng inyong mata? Paano mo masasabi sa iyong kapatid, 'Kapatid,
bayaan mong alisin ko ang iyong puwing,' gayong hindi mo nakikita nag
tahilan na nasa iyong mata? Mapagimbabaw! Alisin mo muna ang tahilan a
iyong mata, at makakikita kang mabuti; sa gayo'y maalis mo ang puwing sa
iyong kapatid." Lucas 6:41-42
"At
winika ng Panginoon, "Narining ninyo ang sinabi ng masamang hukom.
Hindi ipinagkait ng Diyos ang katarungan sa kanyang mga hinirang ng
dumaraing sa kanya araw-gabi, bagama't tila angtatagal iyon." Lucas
18:6-7
Juan
Chapter 12:44-50
Ang Salita ni Jesus ang Hahatol
12 44
Malakas na sinabi ni Jesus, “Ang nananalig sa akin ay hindi lamang sa
akin nananalig, kundi pati sa nagsugo sa akin. 45 At ang nakakita sa
akin ay nakakita na rin sa nagsugo sa akin. 46 Ako'y naparito bilang
ilaw ng sanlibutan, upang ang manalig sa akin ay huwag manatili sa
kadiliman. 47 Hindi ako ang humahatol sa taong dumirinig ng aking
salita, ngunit ayaw namang sumunod dito. Sapagkat hindi ako naparito
upang hatulan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito. 48 May ibang
hahatol sa mga ayaw tumanggap sa akin at sa aking mga salita. Ang
salitang ipinahayag ko ang hahatol sa kanila sa huling araw. 49 Sapagkat
hindi ako nagsalita nang mula sa sarili ko lamang; ang Ama na nagsugo
sa akin ang siyang nag-utos kung ano ang aking sasabihin at ipahahayag.
50 At alam kong ang kanyang utos ay nagbibigay ng buhay na walang
hanggan. Kaya't ang ipinapasabi ng Ama ang siya kong ipinapahayag.”
Efeso
Chapter 4:17-32
Ang Bagong Buhay kay Cristo
4
17 Sa pangalan ng Panginoon, binabalaan ko kayo: huwag na kayong
mamuhay tulad ng mga hindi sumasampalataya. Walang kabuluhan ang
kanilang iniisip, 18 at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang
kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob
ng Diyos. 19 Sila'y naging alipin ng kahalayan at wala na silang
kahihiyan. Wala na silang inaatupag kundi pawang kalaswaan.
20
Hindi ganyan ang natutunan ninyo tungkol kay Cristo. 21 Napakinggan na
ninyo ang aral ni Jesus at natutunan na ninyo ang katotohanang nasa
kanya. 22 Iwan na ninyo ang dating pamumuhay. Hubarin na ninyo ang
inyong dating pagkatao na nasisira dahil sa masasamang pagnanasa. 23
Magbago na kayo ng diwa at pag-iisip; 24 at ang dapat ninyong isuot ay
ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, at nahahayag sa
matuwid at banal na pamumuhay ayon sa katotohanan.
25
Dahil dito, itakwil na natin ang pagsisinungaling at tayong lahat ay
magsabi ng totoo sa isa't isa, sapagkat tayo'y bahagi ng iisang katawan.
26 Kung magagalit man kayo, iwasan ninyo ang kayo'y magkasala. Huwag
ninyong hayaang lumubog ang araw na galit pa rin kayo. 27 Huwag ninyong
bigyan ng pagkakataon ang diyablo. 28 Ang magnanakaw ay huwag nang
magnakaw; sa halip, magtrabaho siya nang marangal para sa sariling
ikabubuhay at makatulong sa mga nangangailangan. 29 Huwag kayong gumamit
ng masasamang salita kundi iyong makapagpapalakas at angkop sa
pagkakataon upang makapagdulot ng mabuti sa mga nakakarinig. 30 At huwag
ninyong saktan ang kalooban ng Espiritu Santo, sapagkat siya ang tatak
ng Diyos sa inyo, ang katibayan na kayo'y tutubusin pagdating ng takdang
araw. 31 Alisin na ninyo ang lahat ng sama ng loob, poot at galit;
huwag na kayong mambubulyaw, manlalait at mananakit ng damdamin ng
kapwa. 32 Sa halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa
isa't isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo.
Tito
Chapter 2:1-15
Ang Wastong Aral
2
1 Kaya naman ituro mo ang mga bagay na angkop sa wastong aral. 2
Sabihin mo sa mga nakatatandang lalaki na sila'y maging mapagpigil sa
sarili, marangal, makatuwiran, at matatag sa pananampalataya, sa
pag-ibig at pagtitiis. 3 Sabihin mo sa mga nakatatandang babae na sila'y
mamuhay nang may kabanalan, huwag maninirang-puri, at huwag malululong
sa alak, kundi magturo ng mabuti, 4 upang maakay nila ang mga kabataang
babae na mahalin ang kanilang mga asawa at mga anak. 5 Ang mga kabataang
ito'y kailangan ding turuan na maging makatuwiran, malinis ang isipan,
masipag sa gawaing bahay, mabait, at masunurin sa kanilang asawa upang
walang masabi ang sinuman laban sa salita ng Diyos nang dahil sa kanila.
6 Turuan mo rin ang mga kabataang lalaki na maging mapagpigil sa
sarili. 7 Sa lahat ng paraan, maging halimbawa ka ng mabuting ugali at
maging tapat ka at kagalang-galang sa iyong pagtuturo. 8 Nararapat na
pananalita ang lagi mong gamitin upang hindi mapintasan ninuman ang mga
sinasabi mo. Sa gayon, mapapahiya ang ating mga kalaban sapagkat wala
silang masasabing masama laban sa atin.
9
Turuan mo ang mga alipin na maging masunurin at kalugud-lugod sa
kanilang mga amo. Hindi nila dapat sagut-sagutin ang mga ito, 10 ni
kupitan man. Dapat silang maging tapat sa lahat ng pagkakataon, upang
maipakita nila sa lahat nilang ginagawa ang kagandahan ng katuruan ng
Diyos na ating Tagapagligtas.
11
Sapagkat nahayag na ang kagandahang-loob ng Diyos na nagdudulot ng
kaligtasan sa lahat ng tao. 12 Ito ang nagtuturo sa atin na talikuran
ang makamundong pamumuhay at damdaming makalaman, at mamuhay tayo sa
daigdig na ito nang may pagpipigil sa sarili, matuwid at karapat-dapat
sa Diyos 13 habang hinihintay natin ang pinagpalang araw na ating
inaasahan. Ito ang araw na mahahayag ang kaluwalhatian ng ating dakilang
Diyos at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo, 14 na naghandog ng kanyang
sarili upang palayain tayo sa lahat ng kasamaan at linisin tayo upang
maging kanyang sariling bayan na masigasig sa paggawa ng mabuti.
15
Ipahayag mo ang lahat ng ito, at gamitin mo ang iyong buong
kapangyarihan sa pagpapalakas ng loob at pagsaway sa iyong mga
tagapakinig. Huwag mong hayaang hamakin ka ninuman.
Lucas
Chapter 6:27-36
Ibigin ang mga Kaaway
6
27 “Subalit sinasabi ko sa inyong mga nakikinig sa akin: Mahalin ninyo
ang inyong mga kaaway at gawan ng mabuti ang mga napopoot sa inyo. 28
Pagpalain ninyo ang sumusumpa sa inyo at ipanalangin ang mga nang-aapi
sa inyo. 29 Kapag sinampal ka sa isang pisngi, iharap mo rin ang kabila.
Kapag inagaw ang iyong balabal, huwag mong ipagkait ang iyong damit. 30
Bigyan mo ang bawat humihingi sa iyo; at kung may kumuha ng iyong
ari-arian, huwag mo nang bawiin pa ang mga iyon. 31 Gawin ninyo sa
inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo.
32
“Kung ang nagmamahal lamang sa inyo ang inyong mamahalin, anong
pagpapala ang nararapat sa inyo? Ang mga makasalanan man ay nagmamahal
din sa mga nagmamahal sa kanila. 33 Kung ang mga gumagawa lamang ng
mabuti sa inyo ang gagawan ninyo ng mabuti, anong pagpapala ang
nararapat sa inyo? Kahit ang masasamang tao ay gumagawa rin niyan! 34 At
kung ang makakabayad lamang ang inyong pauutangin, anong pagpapala ang
nararapat sa inyo? Kahit ang masasamang tao ay nagpapautang din sa kapwa
nila masama, sa pag-asang sila'y mababayaran. 35 Sa halip, mahalin
ninyo ang inyong mga kaaway at gumawa kayo ng mabuti sa kanila.
Magpahiram kayo na hindi umaasa ng anumang kabayaran. Sa gayon, malaking
gantimpala ang tatamuhin ninyo, at kayo'y magiging mga anak ng
Kataas-taasang Diyos. Sapagkat siya'y mabuti kahit sa masasama at sa mga
hindi marunong magpasalamat. 36 Maging mahabagin kayo tulad ng inyong
Ama na mahabagin.”
Santiago
4
11 Mga kapatid, huwag kayong magsiraan sa isa't isa. Ang naninira o
humahatol sa kanyang kapatid ay naninira at humahatol sa Kautusan. At
kung hinahatulan mo ang Kautusan, hindi ka na tagasunod ng Kautusan
kundi isang hukom nito. 12 Ang Diyos lamang ang nagbigay ng Kautusan at
siya rin ang hukom. Tanging siya ang may kapangyarihang magligtas at
magparusa. Ngunit ikaw, sino ka upang humatol sa iyong kapwa?
Lucas
Chapter 6:37-42
Paghatol sa Kapwa
6 37
“Huwag kayong humatol at hindi kayo hahatulan. Huwag kayong magparusa
at hindi kayo parurusahan. Magpatawad kayo at kayo'y patatawarin. 38
Magbigay kayo at kayo'y bibigyan din; hustong takal, siksik, liglig, at
umaapaw pa ang ibibigay sa inyo. Sapagkat ang panukat na ginagamit ninyo
sa iba ay siya ring gagamiting panukat sa inyo.”
39
Tinanong sila ni Jesus nang patalinghaga, “Maaari kayang mag-akay ang
isang bulag ng kapwa niya bulag? Pareho silang mahuhulog sa hukay kapag
ginawa nila ang ganoon! 40 Walang alagad na nakakahigit sa kanyang guro,
ngunit matapos maturuang lubos, ang alagad ay makakatulad ng kanyang
guro.
41
“Bakit mo pinapansin ang puwing ng iyong kapatid ngunit hindi mo
pinapansin ang troso sa iyong mata? 42 Paano mo masasabi sa iyong
kapatid, ‘Kapatid, hayaan mong alisin ko ang iyong puwing,’ gayong hindi
mo nakikita ang trosong nasa iyong mata? Mapagkunwari! Alisin mo muna
ang troso sa iyong mata, nang makakita kang mabuti; sa gayon, maaalis mo
na ang puwing ng iyong kapatid.”
Lucas
Chapter 18:1-8
Ang Talinghaga Tungkol sa Babaing Balo
at sa Hkom
18
1 Isinalaysay ni Jesus ang isang talinghaga upang ituro sa kanila na
dapat silang laging manalangin at huwag mawalan ng pag-asa. 2 Sinabi
niya, “Sa isang lungsod ay may isang hukom na walang takot sa Diyos at
walang iginagalang na tao. 3 Sa lungsod ding iyon ay may isang biyuda.
Lagi siyang pumupunta sa hukom at sinasabi, ‘Bigyan po ninyo ako ng
katarungan sa aking usapin.’ 4 Tinanggihan siya ng hukom sa loob ng
mahabang panahon, ngunit nang magtagal ay sinabi ng hukom sa sarili,
‘Kahit ako'y walang takot sa Diyos at walang iginagalang na tao, 5
ibibigay ko na ang katarungang hinihingi ng biyudang ito, sapagkat lagi
niya akong ginagambala at baka mainis pa ako sa kapupunta niya rito.’” 6
At nagpatuloy ang Panginoon, “Pakinggan ninyo ang sabi ng masamang
hukom na iyon. 7 Ngayon, ipagkakait kaya ng Diyos ang katarungan sa
kanyang mga hinirang na dumaraing sa kanya araw-gabi? Sila kaya'y
paghihintayin niya nang matagal? 8 Sinasabi ko sa inyo, agad niyang
ibibigay sa kanila ang katarungan. Ngunit sa pagbabalik ng Anak ng Tao,
may daratnan pa kaya siyang mga taong may pananampalataya?” 9
THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 19:7-12
God's Glory in the Heaven
and in the Law
19 7
Ang kautusan ng Panginoon ay sakdal, na nagsasauli ng kaluluwa: ang
patotoo ng Panginoon ay tunay, na nagpapapantas sa hangal. 8 Ang mga
tuntunin ng Panginoon ay matuwid, na nagpapagalak sa puso: ang utos ng
Panginoon ay dalisay, na nagpapaliwanag ng mga mata. 9 Ang takot sa
Panginoon ay malinis, na nananatili magpakailan man: ang mga kahatulan
ng Panginoon ay katotohanan, at lubos na matuwid. 10 Mga pinipitang
higit kay sa ginto, oo, higit kay sa maraming dalisay na ginto: lalong
mainam kay sa pulot, at sa pulot-pukyutan. 11 Higit dito'y sa
pamamagitan ng mga iyo'y mapagpapaunahan ang iyong lingkod: sa pagiingat
ng mga yaon ay may dakilang ganting-pala. 12 Sinong makasisiyasat ng
kaniyang mga kamalian? Paliwanagan mo ako sa mga kubling kamalian.
0 comments:
Post a Comment