TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"ANG PAMAHALAAN AT MGA TAO
AY MAGKAISA AT TUGUNAN
ANG KAHIRAPAN AT KATARUNGAN"
"Kaya
gawin ninyo sa inyong kapwa ang ibig ninyong gawin nila sa inyo. Ito
ang kahulugan ng Kautusan ni Moises at ng turo ng mga propeta." Mateo
7:12
"Tumugon
siya, "'Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, at nang
buong kaluluwa, at nang buong lakas, at nang buong pagiisip' ; at,
'Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.'""Tama ang sagot mo,"
wika ni Jesus, "Gawin mo yan at mabubuhay ka."
Lucas 10:27-28
"Ang
mga utos, gaya ng, "Huwag kang mangangalunya, Huwag kang papatay, Huwag
kang magnanakaw, HUwag kang magiimbot," at ang alin pa mang utos tulad
ng mga ito ay nabubuo sa ganitong pangungusap. " Ibigin mo ang inyong
kapwa gaya ng iysong sarili." Ang UMiibig ay hinid gumawa ng masama
kaninuman, Kayat ang pag-ibig ang kabuuan ng kautusan."Namamaalam na ang
gabi malapit nang magliwanag. Layuan ng anatin ang lahat ng gawang
masama at italaga ang sarili sa paggawa ng mabuti." Roma 13:910
"At
sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, 'Lumayo kayo sa akin, mga
sinumpa! Kayo'y pasaapoy na di mamamatay, nainihanda para sa diyablo at
sa kanyang mga kampon. Sapagkat ako'y nagutom at hindi ninyo pinakain,
at ako'y nauhaw at hindi ninyo pinainom." " At sasabihin sa kanila ng
Hari, ' Sinasabi ko sa inyo: nang pagkaitan ninyo ng tulong ang
pinakahamak sa mga ito, ako ang inyong pinagkaitan. Itataboy ang mga ito
sa kaparusahang walang hanggan, ngunit ang matuwid ay pagkakalooban ng
buhay na walang hanggan." Mateo 25;41-42, 45-46
"At
sinumang magbigay ng kahit isang basong tubig na malamig sa isa sa mga
maliit na ito dahil sa itoy alagad ko sinasabi ko sa inyo na walang
pagsalang tatanggap siya ng gantimpala." Mateo 10:42
Mateo
Chapter 7:7-12
Humingi, Humanap, Kumatok
7
7 “Humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo;
kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan. 8 Sapagkat ang bawat humihingi ay
tatanggap; ang bawat humahanap ay makakatagpo; at ang bawat kumakatok ay
pagbubuksan. 9 Bibigyan ba ninyo ng bato ang inyong anak kapag siya'y
humihingi ng tinapay? 10 Bibigyan ba ninyo siya ng ahas kapag siya'y
humihingi ng isda? 11 Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng
mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na
nasa langit? Bibigyan niya ng mabubuting bagay ang sinumang humihingi sa
kanya! 12 “Gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa
inyo. Ito ang buod ng Kautusan at ng mga isinulat ng mga propeta.”
10
25 Isang dalubhasa sa Kautusan ang lumapit kay Jesus upang siya'y
subukin. “Guro, ano ang dapat kong gawin upang magkamit ng buhay na
walang hanggan?” tanong niya. 26 Sumagot si Jesus, “Ano ba ang nakasulat
sa Kautusan? Ano ba ang nababasa mo roon?” 27 Sumagot ang lalaki,
“‘Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, buong kaluluwa
mo, buong lakas mo, at buong pag-iisip mo;’ at ‘Ibigin mo ang iyong
kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.’” 28 Sabi ni Jesus, “Tama ang
sagot mo. Gawin mo iyan at magkakamit ka ng buhay na walang hanggan.”
29
Upang huwag siyang lumabas na kahiya-hiya, nagtanong pa ang lalaki,
“Sino naman ang aking kapwa?” 30 Sumagot si Jesus, “May isang taong
naglalakbay mula sa Jerusalem papuntang Jerico. Hinarang siya ng mga
tulisan, hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na. 31 Nagkataong
dumaan doon ang isang paring Judio. Nang makita ang taong nakahandusay,
lumihis siya at nagpatuloy sa kanyang paglakad. 32 Dumaan din ang isang
Levita, ngunit nang makita niya ang taong binugbog, lumihis din ito at
nagpatuloy sa kanyang paglakad. 33 Ngunit may isang Samaritanong
naglalakbay na napadaan doon. Nang makita niya ang biktima, siya'y
naawa. 34 Nilapitan niya ito, binuhusan ng langis at alak ang mga sugat
at binendahan. Pagkatapos, isinakay niya ang lalaki sa kanyang asno at
dinala ito sa bahay-panuluyan upang maalagaan siya doon.
35
Kinabukasan, binigyan niya ng dalawang salaping pilak ang namamahala ng
bahay-panuluyan, at sinabi, ‘Alagaan mo siya, at kung higit pa riyan
ang iyong magagastos, babayaran kita pagbalik ko.’” 36 At nagtanong si
Jesus, “Sa palagay mo, sino kaya sa tatlo ang naging tunay na kapwa ng
taong hinarang ng mga tulisan?” 37 “Ang taong tumulong sa kanya,” tugon
ng dalubhasa sa kautusan. Kaya't sinabi sa kanya ni Jesus, “Kung gayon,
humayo ka at ganoon din ang gawin mo.”
Roma
Chapter 13:8-14
Tungkulin sa Kapwa
13.
8 Huwag kayong magkaroon ng sagutin kaninuman, maliban na kayo'y
magmahalan sa isa't isa, sapagkat ang nagmamahal sa kapwa ay nakatupad
na sa Kautusan. 9 Ang mga utos gaya ng, “Huwag kang mangangalunya; huwag
kang papatay; huwag kang magnanakaw; huwag mong pagnanasaang maangkin
ang pag-aari ng iba;” at alinmang utos na tulad ng mga ito ay nauuwing
lahat sa iisang utos, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa
iyong sarili.” 10 Ang umiibig ay hindi gumagawa ng masama kaninuman,
kaya't ang pag-ibig ang katuparan ng Kautusan.
11
Gawin ninyo ito, dahil alam ninyong panahon na upang gumising kayo. Ang
pagliligtas sa atin ay higit nang malapit ngayon kaysa noong tayo'y
unang sumampalataya sa Panginoon. 12 Namamaalam na ang gabi at malapit
nang lumiwanag. Layuan na natin ang lahat ng masasamang gawain at
italaga natin ang sarili sa paggawa ng mabuti. 13 Mamuhay tayo sa
liwanag at huwag gugulin ang panahon sa magulong pagsasaya at
paglalasing, kahalayan at kalaswaan, sa alitan at inggitan. 14 Gawin
ninyo ang Panginoong Jesu-Cristo bilang sandata at huwag ninyong
pagbigyan ang laman upang masunod ang mga hilig nito.
Mateo
Chapter 25:31-46
Ang Paghuhukom
25
35 Sapagkat ako'y nagugutom at ako'y inyong pinakain; ako'y nauuhaw at
ako'y inyong pinainom. Ako'y isang dayuhan at inyong pinatuloy. 36 Ako'y
hubad at ako'y inyong dinamitan, nagkasakit at inyong dinalaw,
nabilanggo at inyong pinuntahan.’ 37 “Sasagot ang mga matuwid,
‘Panginoon, kailan po namin kayo nakitang nagutom at aming pinakain, o
nauhaw at aming pinainom? 38 Kailan po kayo naging dayuhan at aming
pinatuloy, o kaya'y hubad at aming dinamitan? 39 At kailan po namin kayo
nakitang nagkasakit o nabilanggo at kayo'y aming dinalaw?’ 40
“Sasabihin ng Hari, ‘Tandaan ninyo, nang gawin ninyo ito sa pinakahamak
sa mga kapatid kong ito, sa akin ninyo ito ginawa.’
41
“Sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, ‘Lumayo kayo sa harapan ko,
kayong mga isinumpa! Doon kayo sa apoy na di namamatay na inihanda para
sa diyablo at sa kanyang mga kampon. 42 Sapagkat hindi ninyo ako
pinakain noong ako'y nagugutom; hindi ninyo ako pinainom noong ako'y
nauuhaw. 43 Hindi ninyo ako pinatuloy noong ako'y isang dayuhan. Hindi
ninyo ako dinamitan noong ako'y hubad. Hindi ninyo ako dinalaw noong
ako'y may sakit at noong ako'y nasa bilangguan.’ 44 “At sasagot din
sila, ‘Panginoon, kailan po namin kayo nakitang nagutom, nauhaw, walang
matuluyan, hubad, may sakit, o nasa bilangguan, na hindi namin kayo
tinulungan?’ 45 “At sasabihin sa kanila ng Hari, ‘Tandaan ninyo, nang
pagkaitan ninyo ng tulong ang isa sa pinakahamak sa mga ito, ako ang
inyong pinagkaitan.’ 46 Itataboy ang mga ito sa kaparusahang walang
hanggan, ngunit ang mga matuwid ay pupunta sa buhay na walang hanggan.”
Mateo
Chapter 10:40-42
Mga Gantimpala
10
40 “Ang tumatanggap sa inyo ay tumatanggap sa akin, at ang tumatanggap
sa akin ay tumatanggap sa nagsugo sa akin. 41 Ang tumatanggap sa isang
propeta dahil sa ito'y propeta ay tatanggap ng gantimpalang nauukol sa
propeta; at ang tumatanggap sa isang taong matuwid dahil sa ito'y
matuwid ay tatanggap ng gantimpalang nauukol sa taong matuwid. 42
Tandaan ninyo: sinumang magbigay ng kahit isang basong malamig na tubig
sa isa sa mga maliliit na ito dahil sa siya'y alagad ko, siya'y tiyak na
tatanggap ng gantimpala.”
THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 50:14-15, 23
Acceptable Sacrifice
50
14 Ihandog mo sa Dios ang haing pasasalamat: at tuparin mo ang iyong
mga panata sa Kataastaasan: 15 At tumawag ka sa akin sa kaarawan ng
kabagabagan; ililigtas kita, at iyong luluwalhatiin ako.
23
Ang naghahandog ng haing pasasalamat ay lumuluwalhati sa akin; at sa
kaniya na nagaayos ng kaniyang pakikipagusap aking ipakikita ang
pagliligtas ng Dios.
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
---------------------------------------------------------------------------------------
EFESO 4:17-18 5:15-17 HEBREWS 4"7
17Sa
pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong
mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos.
Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
HEBREWS 4:7
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO."
2THESSALONIANS 2:2-14
"Tinatawag
kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa
inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."
-----------------------------------------------------------------------------------------
"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"
THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION
http://www.catholic.org/bible/
http://wwwmigrate.usccb.org/bible/books-of-the-bible/index.cfm
LINKS:
ENGLISH
TAGALOG VERSION
READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG
BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
--------------------------------
0 comments:
Post a Comment