TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"MAGING MAKATUWIRAN
AT MAHABAGIN"
"Dito'y
makikita natin ang kabutihan ng Diyos at ang kabagsikan niya. Mabagsik
siya sa mga di nanalig sa kanya, subalit mabuti sa inyo, kung kayo'y
mananatili sa kanyang kabutihan. kung hindi, ikaw ma'y puputulin." Roma 11:22
"Dati
kayo'y masuwayin sa Diyos, ngnit ngayo'y kinahabagan sa panahon ng
kanilang pagsuway. Gayon din naman, sila'y naging masuwayin ngayong
kayo'y kinahabagan upang sila'y kahabagan din." Roma 11:30-31
"Sa
halip, kayo'y manging mabait at maawin sa isat isa , at magpatawaran,
tuad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo." Efeso 4:32
"Kaya't
huwag kayong humatol ng wala sa panahon ; maghintay kayo ng pagdating
ng Panginoon. Ilalantad niya ang mga bagay na ngayoy natatago sa
kadiliman ang mga lihim na hangarin ng bawat isa. Sa panahong iyon ang
isa'y tatanggap ng papuring nauukol sa kanya mula sa Diyos." 1Corinto 4:5
"tapat na pananalita at kapangyarihan ng Diyos. Ang katuwiran ang siya kong sandatang panlaban at pananggalang." 2Corinto 6:7
"Tayo'y
kanyang nilalang, nilikha sa pamamagitan ni Cristo Jesus upang iukol
natin ang ating buhay sa paggawa ng mabuti, na noon pa mang una'y
itinalaga na ng Diyos para sa atin." Efeso 2:10
"at
lubos na makiisa sa kanya. Hindi ko na hinangad na maging matuwid sa
pamamagitan ng kautusan kundi sa pananalig kay Cristo Jesus. Ang
pagiging matuwid ko ngayon ay kaloob ng Diyos batay sa pananampalataya."
Filipos 3:9
Roma
Chapter 11:13-24
Kaligtasan ng mga Hentil
11
13 Ito naman ang sasabihin ko sa inyo, mga Hentil. Dahil ako'y apostol
para sa inyo, ipinagmamalaki ko ang aking katungkulan. 14 Ginagawa ko
ito upang inggitin ang aking mga kababayang Judio, at nang sa gayon ay
maligtas kahit ang ilan sa kanila. 15 Kung ang pagkatakwil sa kanila ay
naging daan upang ipagkasundo sa Diyos ang sanlibutan, ang muling
pagtanggap sa kanila ng Diyos ay matutulad sa muling pagkabuhay ng
patay!
16
Kung banal ang unang tinapay mula sa masa ng harina, gayundin ang buong
masa. At kung ang ugat ng punongkahoy ay banal, gayundin ang mga sanga
nito. 17 Kung pinutol ang ilang sanga ng punong olibo, at ikaw na sanga
ng olibong ligaw ang idinugtong sa puno upang makabahagi sa buhay na
nanggagaling sa ugat ng punong ito, 18 huwag kang magmalaki sa mga
sangang pinutol. Alalahanin mong hindi ikaw ang bumubuhay sa mga ugat;
ang mga ugat ang bumubuhay sa iyo.
19
Sasabihin mo naman, “Pinutol ang mga sanga upang ako'y maidugtong.” 20
Totoo iyan. Pinutol sila dahil hindi sila sumampalataya, ngunit ikaw
naman ay nananatili sa puno dahil sa iyong pananampalataya. Kaya't huwag
kang magmalaki, sa halip ay matakot ka. 21 Sapagkat kung ang mga tunay
na sanga ay hindi pinanghinayangan ng Diyos, ikaw pa kaya ang
panghinayangan niya? 22 Dito'y nakikita natin ang kabutihan at
kabagsikan ng Diyos. Naging mabagsik siya sa mga hindi sumasampalataya
sa kanya, subalit mabuti siya sa inyo, kung mananatili kayo sa kanyang
kabutihan. Kung hindi, kayo ma'y puputulin din. 23 Ang mga Judio'y
idudugtong niyang muli sa puno kung sila ay sasampalataya, sapagkat
kayang gawin iyon ng Diyos. 24 Kung ikaw na sangang galing sa olibong
ligaw ay naidugtong sa tunay na olibo, kahit na ito'y salungat sa
kalikasan, lalo pang madaling idugtong sa puno ang mga talagang sanga
nito. 25
Roma
Chapter 11:25-32
Nahahabag ang Diyos sa Lahat
11
25 Mga kapatid, isang hiwaga ang nais kong malaman ninyo upang hindi
maging mataas ang palagay ninyo sa inyong sarili. Ang pagmamatigas ng
Israel ay sa isang bahagi lamang hanggang sa mabuo ang takdang bilang ng
lahat ng mga Hentil na lalapit sa Diyos.
26
Sa paraang ito, maliligtas ang buong Israel; tulad ng nasusulat:
“Magmumula sa Zion ang Tagapagligtas. Papawiin niya ang kasamaan sa lahi
ni Jacob. 27 At ito ang gagawin kong kasunduan namin kapag pinawi ko na
ang kanilang mga kasalanan.”
28
Dahil tinanggihan ng mga Israelita ang Magandang Balita, sila'y naging
kaaway ng Diyos, at kayong mga Hentil ang nakinabang. Ngunit dahil sa
sila ang mga hinirang ng Diyos, sila'y mahal pa rin niya, alang-alang sa
kanilang mga ninuno. 29 Sapagkat hindi nagbabago ng isip ang Diyos
tungkol sa kanyang mga kaloob at pagtawag. 30 Noon, kayong mga Hentil ay
hindi sumusunod sa Diyos, ngunit ngayon, kayo ay tumanggap ng habag ng
Diyos nang sumuway ang mga Judio. 31 Gayundin naman, dahil sa habag ng
Diyos na inyong naranasan, sinusuway naman ngayon ng mga Judio ang
Diyos, nang sa gayo'y maranasan din nila [ngayon] ang kanyang habag. 32
Sapagkat hinayaan ng Diyos na maalipin sa pagsuway ang lahat ng tao
upang maipadama niya sa kanila ang kanyang habag.
Efeso
Chapter 4:17-32
Ang Bagong Buhay kay Cristo
4 17
Sa pangalan ng Panginoon, binabalaan ko kayo: huwag na kayong mamuhay
tulad ng mga hindi sumasampalataya. Walang kabuluhan ang kanilang
iniisip, 18 at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at
katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos. 19
Sila'y naging alipin ng kahalayan at wala na silang kahihiyan. Wala na
silang inaatupag kundi pawang kalaswaan.
20
Hindi ganyan ang natutunan ninyo tungkol kay Cristo. 21 Napakinggan na
ninyo ang aral ni Jesus at natutunan na ninyo ang katotohanang nasa
kanya. 22 Iwan na ninyo ang dating pamumuhay. Hubarin na ninyo ang
inyong dating pagkatao na nasisira dahil sa masasamang pagnanasa. 23
Magbago na kayo ng diwa at pag-iisip; 24 at ang dapat ninyong isuot ay
ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, at nahahayag sa
matuwid at banal na pamumuhay ayon sa katotohanan.
25
Dahil dito, itakwil na natin ang pagsisinungaling at tayong lahat ay
magsabi ng totoo sa isa't isa, sapagkat tayo'y bahagi ng iisang katawan.
26 Kung magagalit man kayo, iwasan ninyo ang kayo'y magkasala. Huwag
ninyong hayaang lumubog ang araw na galit pa rin kayo. 27 Huwag ninyong
bigyan ng pagkakataon ang diyablo. 28 Ang magnanakaw ay huwag nang
magnakaw; sa halip, magtrabaho siya nang marangal para sa sariling
ikabubuhay at makatulong sa mga nangangailangan. 29 Huwag kayong gumamit
ng masasamang salita kundi iyong makapagpapalakas at angkop sa
pagkakataon upang makapagdulot ng mabuti sa mga nakakarinig. 30 At huwag
ninyong saktan ang kalooban ng Espiritu Santo, sapagkat siya ang tatak
ng Diyos sa inyo, ang katibayan na kayo'y tutubusin pagdating ng takdang
araw. 31 Alisin na ninyo ang lahat ng sama ng loob, poot at galit;
huwag na kayong mambubulyaw, manlalait at mananakit ng damdamin ng
kapwa. 32 Sa halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa
isa't isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo.
Mga Apostol ni Cristo
4
1 Dapat ninyong kilalanin na kami'y mga lingkod ni Cristo at katiwala
ng mga hiwaga ng Diyos. 2 Ang katiwala'y kailangang maging tapat sa
kanyang panginoon. 3 Walang anuman sa akin kung ako'y hatulan ninyo, o
ng alinmang hukuman ng tao; ako man ay hindi humahatol sa aking sarili. 4
Malinis ang aking budhi, subalit hindi iyon katibayan na ako'y walang
kasalanan. Ang Panginoon ang humahatol sa akin. 5 Kaya't huwag kayong
humatol nang wala pa sa panahon; maghintay kayo sa pagdating ng
Panginoon. Siya ang maglalantad ng mga bagay na ngayo'y natatago sa
kadiliman at maghahayag ng mga lihim na hangarin ng bawat isa. Sa
panahong iyon, bawat isa'y bibigyan ng Diyos ng angkop na parangal.
6 Mga kapatid, kami ni Apolos ang ginamit kong halimbawa para sa inyong
kapakinabangan, upang matutuhan ninyo ang kahulugan ng kasabihang,
“Huwag lalampas sa nasusulat.” Huwag ninyong ipagmalaki ang isang tao
upang hamakin ang iba. 7 Paano kayo nakakahigit sa iba? Hindi ba't lahat
ng nasa inyo'y ibinigay lamang sa inyo ng Diyos? Kung gayon, bakit
ninyo ipinagyayabang iyon na parang hindi kaloob sa inyo?
8
Kayo pala'y nasisiyahan na! Mayayaman na pala kayo! Kayo pala'y mga
hari na, at kami'y hindi. Sana nga'y naging hari na kayo upang kami man
ay maghari ding kasama ninyo. 9 Sa palagay ko, kaming mga apostol ang
ginawa ng Diyos na pinakahamak sa lahat ng tao. Ang katulad namin ay mga
taong nahatulan ng kamatayan; isang panoorin para sa sanlibutan, ng mga
anghel at ng mga tao. 10 Kami'y mga hangal alang-alang kay Cristo; kayo
nama'y marurunong dahil kay Cristo! Mahihina kami; kayo nama'y
malalakas. Hinahamak kami; kayo nama'y pinaparangalan! 11 Hanggang sa
oras na ito, kami'y nagugutom, nauuhaw, at halos hubad; kami'y
pinapahirapan at walang matirhan. 12 Nagpapakahirap kami at nagbabanat
ng buto para kumita ng ikabubuhay. Idinadalangin namin ang mga lumalait
sa amin; kapag kami'y inuusig, nagtitiis kami. 13 Kapag kami'y
sinisiraan, mahinahon kaming sumasagot. Hanggang ngayon, kami'y parang
maruming basahan, pinakahamak sa lahat ng tao sa mundo.
14
Ito'y isinusulat ko, hindi upang hiyain kayo, kundi upang pangaralan
bilang minamahal kong mga anak. 15 Kahit magkaroon pa kayo ng
napakaraming tagapagturo sa pamumuhay Cristiano, iisa lamang ang inyong
ama. Sapagkat kayo'y naging mga anak ko sa pananampalataya kay Cristo
Jesus sa pamamagitan ng Magandang Balitang ipinangaral ko sa inyo. 16
Kaya't isinasamo ko sa inyo, tularan ninyo ako. 17 Dahil dito, pinapunta
ko riyan si Timoteo, ang aking minamahal at tapat na anak sa Panginoon.
Ipapaalala niya sa inyo ang mga patakaran ko sa buhay sa pagsunod kay
Cristo Jesus. Ang mga patakaran ding iyon ang itinuturo ko sa bawat
iglesya sa lahat ng dako.
18
Nagmamalaki ang ilan sa inyo dahil ang akala nila'y hindi na ako
pupunta riyan. 19 Ngunit kung loloobin ng Panginoon, ako'y pupunta riyan
sa lalong madaling panahon. Titingnan ko kung anong kapangyarihan ang
ipinagmamalaki ng mga iyan, at hindi lamang ang kanilang sinasabi. 20
Sapagkat ang paghahari ng Diyos ay hindi sa salita, kundi sa
kapangyarihan. 21 Alin ang gusto ninyo? Dumating ako riyan na may dalang
pamalo, o mayroong diwa ng pag-ibig at kahinahunan?
2Corinto
Chapter 6:1-13
Nakipagkasund sa Diyos sa
pamamagitan ni Cristo
6 1
Yamang kami'y magkakasama sa gawain ng Diyos, nakikiusap kami sa inyo
na huwag ninyong sayangin ang kagandahang-loob na ibinibigay sa inyo ng
Diyos. 2 Sapagkat sinasabi niya, “Sa kaukulang panahon ay pinakinggan
kita, sa araw ng pagliligtas, sinaklolohan kita.” Ngayon na ang
kaukulang panahon! Ito na ang araw ng pagliligtas! 3 Iniwasan naming
makagawa ng anumang makakahadlang kaninuman upang hindi mapulaan ang
aming paglilingkod. 4 Sa halip, sa lahat ng paraan sinisikap naming
ipakita ang aming katapatan bilang mga lingkod ng Diyos. Kami'y
matiyagang nagtiis sa lahat ng uri ng kahirapan, kapighatian at mga
kagipitan. 5 Kami'y hinagupit, ibinilanggo at binugbog. Naranasan namin
ang magtrabaho nang labis, mapuyat at magutom. 6 Namuhay kami nang
malinis, may kaalaman, pagtitiis, kabutihan, patnubay ng Espiritu Santo,
tunay na pag-ibig, 7 tapat na pananalita, at kapangyarihan ng Diyos.
Ang pagiging matuwid ang siya naming sandatang panlaban at panangga. 8
Naranasan naming maparangalan at ipahiya, ang laitin at papurihan.
Kami'y itinuring na sinungaling, gayong totoo naman ang aming sinasabi; 9
hindi kinikilala, gayong kami'y kinikilala ng marami; itinuturing na
patay na, ngunit buháy naman; pinaparusahan kami, subalit hindi
pinapatay. 10 Ang tingin sa amin ay nalulungkot, gayong kami'y laging
nagagalak; mga dukha, ngunit marami kaming pinapayaman; mga walang-wala,
ngunit sagana sa lahat ng bagay. 11 Mga taga-Corinto, tapatan ang
pagsasalita namin sa inyo. Binuksan namin ang aming puso sa inyo. 12
Hindi namin isinara ang aming puso sa inyo; kayo ang nagsara ng inyong
puso sa amin. 13 Kinakausap ko kayo bilang mga anak, buksan naman ninyo
sa amin ang inyong puso, tulad ng ginagawa namin sa inyo.
Efeso
Chapter 2:1-10
Mula sa Kamatayan tungo sa Buhay
2
1 Noong una'y patay kayo dahil sa inyong mga pagsuway at mga kasalanan.
2 Sinusunod ninyo noon ang masamang takbo ng mundong ito, at napailalim
kayo sa pinuno ng mga kapangyarihan sa himpapawid, ang espiritung
naghahari sa mga taong ayaw pasakop sa Diyos. 3 Ang totoo, tayong lahat
ay dati ring namumuhay ayon sa pagnanasa ng ating laman, at sumusunod sa
mga hilig ng katawan at pag-iisip. Kaya't sa ating likas na kalagayan,
kabilang tayo sa mga taong kinapopootan ng Diyos.
4
Subalit napakasagana ng habag ng Diyos at napakadakila ng pag-ibig niya
sa atin. 5 Tayo'y binuhay niyang kasama ni Cristo noong tayo'y mga
patay pa dahil sa ating pagsuway. Naligtas nga kayo dahil sa kanyang
kagandahang-loob. 6 Dahil sa ating pakikipag-isa kay Cristo Jesus,
tayo'y muling binuhay na kasama niya upang mamunong kasama niya sa
kalangitan. 7 Ginawa niya ito upang sa darating na mga panahon ay
maipakita niya ang di-masukat na kasaganaan ng kanyang kagandahang-loob,
sa kabutihan niya sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus. 8 Sapagkat
dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng
pananampalataya; at ito'y kaloob ng Diyos at hindi mula sa inyong
sarili; 9 hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya't walang
maipagmamalaki ang sinuman. 10 Kung ano tayo ngayon ay gawa ng Diyos, at
sa pakikipag-isa natin kay Cristo Jesus ay nilikha niya tayo para sa
mabubuting gawa na inihanda niya noong una pa man upang gawin natin.
Filipos
Chapter 3:1-11
Ang Tunay na Pagiging Matuwid
3 1
Sa wakas, mga kapatid, magalak kayo sa Panginoon. Hindi kaabalahan para
sa akin na ulitin ang naisulat ko na, dahil ito naman ay para sa inyong
kapakanan.
2
Mag-ingat kayo sa mga taong asal-aso, sa mga taong mahilig sa paggawa
ng masama. Sila'y mga taong naghihiwa ng maselang bahagi ng kanilang
katawan. 3 Tayo at hindi sila, ang tumanggap ng tunay na pagtutuli,
tayong mga sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang Espiritu. Ang
ipinagmamalaki natin ay ang ating buhay kay Cristo Jesus at hindi tayo
umaasa sa mga pisikal na bagay. 4 Ang totoo, ako'y may sapat na dahilan
upang panghawakan ang mga pisikal na bagay. Kung iniisip ninuman na
siya'y may katuwirang umasa sa ganitong mga bagay, lalo na ako. 5 Ako'y
tinuli sa ikawalong araw mula nang ako'y isilang. Ako'y isang tunay na
Israelita, buhat sa angkan ni Benjamin at totoong Hebreo. Kung pagsunod
naman sa Kautusan ang pag-uusapan, ako'y isang Pariseo. 6 Kung sa
pagiging masugid ko sa Kautusan, inusig ko ang iglesya. Kung sa pagiging
matuwid naman ayon sa Kautusan, walang maisusumbat sa akin. 7 Ngunit
dahil kay Cristo, ang mga bagay na pinapahalagahan ko noon ay itinuring
kong walang kabuluhan ngayon. 8 Oo, itinuturing kong walang kabuluhan
ang lahat ng bagay bilang kapalit ng lalong mahalaga, ang pagkakilala
kay Cristo Jesus na aking Panginoon. Ang lahat ng bagay ay ipinalagay
kong walang kabuluhan at itinuring kong basura, makamtan ko lamang si
Cristo 9 at lubos na makipag-isa sa kanya. Ang aking pagiging matuwid ay
hindi sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan, kundi sa pananalig kay
Cristo. Ang pagiging matuwid ko ngayo'y buhat sa Diyos, sa pamamagitan
ng pananampalataya. 10 Ang tanging hangarin ko ngayon ay lubusang
makilala si Cristo, maranasan ang kapangyarihan ng kanyang muling
pagkabuhay, makibahagi sa kanyang mga paghihirap, at maging katulad niya
sa kanyang kamatayan, 11 umaasang ako man ay muling bubuhayin mula sa
kamatayan.
THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 23:1-6
The Lord, Shepherd and Host
23
1 Ang Panginoon ay aking pastor; hindi ako mangangailangan. 2 Kaniyang
pinahihiga ako sa sariwang pastulan: pinapatnubayan niya ako sa siping
ng mga tubig na pahingahan, 3 Kaniyang pinapananauli ang aking kaluluwa:
pinapatnubayan niya ako sa mga landas ng katuwiran alangalang sa
kaniyang pangalan. 4 Oo, bagaman ako'y lumalakad sa libis ng lilim ng
kamatayan, wala akong katatakutang kasamaan; sapagka't ikaw ay sumasa
akin: ang iyong pamalo at ang iyong tungkod, ay nagsisialiw sa akin. 5
Iyong pinaghahandaan ako ng dulang sa harap ko sa harapan ng aking mga
kaaway: iyong pinahiran ang aking ulo ng langis; ang aking saro ay
inaapawan. 6 Tunay na ang kabutihan at kaawaan ay susunod sa akin sa
lahat ng mga kaarawan ng aking buhay: at ako'y tatahan sa bahay ng
Panginoon magpakailan man.
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
---------------------------------------------------------------------------------------------------
EFESO 4:17-18 5:15-17 HEBREWS 4"7
17Sa
pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong
mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos.
Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
HEBREWS 4:7
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO."
2THESSALONIANS 2:2-14
"Tinatawag
kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa
inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."
--------------------------------------------------------------------------------------------------
"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"
THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION
http://www.catholic.org/bible/
http://wwwmigrate.usccb.org/bible/books-of-the-bible/index.cfm
LINKS:
ENGLISH
TAGALOG VERSION
READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG
BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
--------------------------------
0 comments:
Post a Comment