TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"Ang Pamahalaan at mga Tao ay
magkaisa na pangalagaan ang kalikasan
at buhay"
"Sa
wakas magkaroon kayo ng pagkakaisa, at magtinginan kayo ng mabuti.
Magmahalan kayo bilang magkakapatid, maging maunawain at mababang loob."
1Pedro 3:8
"Alang
alang sa panmginoon pasakop kayo sa lahat ng may kapangyarihan sa
bayan: sa Emperador, ang pinakamataas na kapangyarihan. at sa mga
Gobernador na sugo niya upang magparusa sa mga gumagawa ng ng masama at
magparangal sa mga gumagawa ng matuwid. " "Igalang ninyo ang lahat ng
tao at mahalin ang mga kapatid kay Cristo. Mamuhay kayong may takot sa
Diyos at may paggalang sa Emperador." 1Pedro 2:13-14, 17
"Ito
ang sinasabi ko sa inyo: ang Espiritu ang gawin ninyong patnubay sa
inyong buhay at huwag ninyong susundin ang pita ng laman." Galaica 5:14
"Kami'y
iniligtas na niya nuon sa tiyak na kamatayan at patuloy na iniligtas.
Lubos amg aming pag-asa na kami'y ililigtas pa niya, sa tulong ng inyong
panalnagin. Sa gayon marami ang magpapasalamat sa kanya dahil sa
pagpapala niya sa amin bilang tugon sa panalangin ng marami."
2Corinto 1:10-11
"Sa
ngalan ng panginoong Jesu-Cristo, maghigpit naming itinatagubilin sa
mga taong ito na sila'y maghanapbuhay at mamuhay ng maayos."
2Tesalonica 3:12
"Ang
mga nagnanasang yumaman sa anuamng paraan ay mahuhulog as tukso at sa
bitag ng masasamang hangaring magtutulak sa kanila sa kasamaan." 1Timoteo 6:9
1Pedro
Chapter 3:8-22
Psgtitiis dahil sa paggawa
ng Matuwid
3 8 Sa madaling salita, magkaisa kayo at magdamayan, magmahalan bilang
magkakapatid at maging maunawain at mapagpakumbaba. 9 Huwag ninyong
gantihan ng masama ang masama. Huwag ninyong sumpain ang sumusumpa sa
inyo. Sa halip, pagpalain ninyo sila dahil pinili kayo upang tumanggap
ng pagpapala ng Diyos.
10
Ayon sa nasusulat, “Ang mga nagnanais ng payapa at saganang pamumuhay,
dila nila'y pigilan sa pagsasabi ng kasamaan. Ang anumang panlilinlang
at madayang pananalita sa kanyang mga labi ay di dapat mamutawi. 11 Ang
masama'y iwasan na, at ang gawin ay ang tama; at ang laging pagsikapan
ay buhay na mapayapa. 12 Ang mga mata ng Panginoon, sa matuwid nakatuon,
ang kanilang panalangin ay kanyang pinakikinggan, ngunit ang masasama
ay kanyang sinasalungat.”
13
At sino naman ang gagawa sa inyo ng masama kung masigasig kayo sa
paggawa ng mabuti? 14 At sakali mang usigin kayo dahil sa pagsunod sa
kalooban ng Diyos, pinagpala kayo! Huwag kayong matakot sa kanila at
huwag kayong mabagabag. 15 Igalang ninyo si Cristo mula sa inyong puso
bilang Panginoon. Lagi kayong maging handang sumagot sa sinumang
humihingi ng paliwanag sa inyo tungkol sa pag-asang nasa inyo. 16 Ngunit
gawin ninyo ito nang mahinahon at may paggalang. Panatilihin ninyong
malinis ang inyong budhi upang mapahiya ang mga nanlalait at humahamak
sa inyong magandang pag-uugali bilang mga lingkod ni Cristo. 17 Higit na
mainam ang kayo'y magdusa dahil sa paggawa ng mabuti, sakali mang ito'y
ipahintulot ng Diyos, kaysa magdusa kayo dahil sa paggawa ng masama. 18
Sapagkat si Cristo na walang kasalanan ay namatay nang minsan para sa
inyo na mga makasalanan, upang iharap kayo sa Diyos. Siya'y pinatay sa
laman, at muling binuhay sa espiritu. 19 Sa kalagayang ito, nagpunta
siya at nangaral sa mga espiritung nakabilanggo. 20 Sila ang mga
espiritung ayaw sumunod noong matiyagang naghihintay ang Diyos nang
panahon ni Noe, habang ginagawa nito ang daong. Doon ay iilang tao, walo
lamang, ang nakaligtas sa tubig. 21 Ang tubig ay larawan ng bautismong
nagliligtas sa inyo ngayon. Hindi nito nililinis ang dumi ng katawan;
ito'y pangako sa Diyos buhat sa isang malinis na budhi. Inililigtas kayo
ng bautismo sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo, 22 na
umakyat sa langit at ngayo'y nasa kanan ng Diyos. Naghahari siya roon sa
mga anghel at sa mga kapangyarihan sa langit.
1Pedro
Chapter 2:11-17
Mga Alipin ng Diyos
2 11 Mga minamahal, nakikiusap ako sa inyo, bilang mga dayuhan at
pansamantalang naninirahan lamang sa daigdig na ito, talikuran na ninyo
ang mga pagnanasa ng laman na nakikidigma sa inyong mga sarili. 12
Mamuhay kayo nang maayos sa gitna ng mga Hentil upang kahit na
paratangan nila kayo ng masama, makikita nila ang inyong mabubuting gawa
at magpupuri sila sa Diyos sa Araw ng kanyang pagdating.
13
Alang-alang sa Panginoon, pasakop kayo sa lahat ng may kapangyarihan sa
bayan, sa Emperador, na siyang pinakamataas na kapangyarihan, 14 at sa
mga gobernador, na isinugo niya upang magparusa sa mga gumagawa ng
masama at magparangal sa mga gumagawa ng mabuti. 15 Nais ng Diyos na sa
pamamagitan ng inyong wastong pamumuhay ay mapatigil ninyo ang mga
hangal sa kanilang kamangmangan. 16 Mamuhay kayong tulad ng mga taong
malaya, subalit huwag ninyong gawing dahilan sa paggawa ng masama ang
inyong kalayaan. Sa halip, mamuhay kayo bilang mga alipin ng Diyos. 17
Igalang ninyo ang lahat ng tao at mahalin ang mga kapatid kay Cristo.
Mamuhay kayo nang may takot sa Diyos. Igalang ninyo ang Emperador.
Galacia
Chapter 5:16-25
Ang Espiritu Santo at
kalikasan ng Tao
5 16 Sinasabi ko sa inyo, mamuhay kayo ayon sa Espiritu at hindi ninyo
pagbibigyan ang mga pagnanasa ng laman. 17 Sapagkat ang mga pagnanasa ng
laman ay laban sa kagustuhan ng Espiritu, at ang kagustuhan ng Espiritu
ay laban sa mga pagnanasa ng laman. Magkalaban ang dalawang ito kaya
napipigilan kayo sa paggawa ng nais ninyong gawin. 18 Kung
pinapatnubayan kayo ng Espiritu, wala na kayo sa ilalim ng Kautusan.
19
Hindi maikakaila ang mga gawa ng laman: pakikiapid, kahalayan at
kalaswaan; 20 pagsamba sa diyus-diyosan, pangkukulam, pagkapoot,
pag-aaway-away, pagseselos, pagkakagalit at kasakiman, pagkakampi-kampi
at pagkakabaha-bahagi, 21 pagkainggit, [pagpatay] paglalasing, walang
habas na pagsasaya, at iba pang katulad nito. Muli ko kayong binabalaan:
ang gumagawa ng mga ito ay hindi magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng
Diyos.
22
Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan,
pagtitiyaga, kabaitan, kabutihan, katapatan, 23 kahinahunan, at
pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ganito. 24 At ipinako na
sa krus ng mga nakipag-isa kay Cristo Jesus ang kanilang laman at ang
masasamang hilig nito. 25 Kung binigyan tayo ng buhay ng Espiritu,
mamuhay rin tayo ayon sa Espiritu. 26 Huwag tayong maging palalo, huwag
nating galitin ang isa't isa, at huwag rin tayong mainggit sa isa't isa.
2Tessalonica
Chapter 1:1-11
Pasasalamat ni Pablo
1 1 Mula kay Pablo na isang apostol ni Cristo Jesus ayon sa kalooban ng
Diyos, kasama ang kapatid nating si Timoteo— Para sa iglesya ng Diyos
sa Corinto at sa mga hinirang ng Diyos, na nasa buong Acaya. 2 Sumainyo
nawa ang pagpapala at ang kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa
Panginoong Jesu-Cristo. 3 Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating
Panginoong Jesu-Cristo, ang Ama ng kahabagan at Diyos na pinagmumulan ng
lahat ng kaaliwan. 4 Inaaliw niya kami sa aming mga kapighatian upang
sa pamamagitan ng kaaliwang tinanggap natin sa kanya ay maaliw naman
namin sa mga nahahapis. 5 Sapagkat kung gaano karami ang aming
paghihirap dahil sa aming pakikipag-isa kay Cristo, gayundin naman
karami ang aming kaaliwan kay Cristo. 6 Kung naghihirap man kami, ito'y
para sa ikaaaliw at ikaliligtas ninyo. Kapag naaaliw kami, kayo ma'y
naaaliw rin at lumalakas upang inyong matiis ang mga kapighatiang
dinaranas ninyo tulad namin. 7 Kaya't matibay ang aming pag-asa para sa
inyo, sapagkat alam naming kung paanong kahati kayo sa aming kahirapan,
magiging kahati rin kayo sa aming kaaliwan.
8
Mga kapatid, nais naming malaman ninyo ang mga kapighatiang dinanas
namin sa Asia. Napakabigat ng aming dinanas, anupa't akala namin ay
mamamatay na kami. 9 Para kaming hinatulan ng kamatayan. Subalit
nangyari iyon upang huwag kaming manalig sa aming sarili, kundi sa Diyos
na muling bumubuhay sa mga patay. 10 Iniligtas niya kami sa malagim na
kamatayan, at patuloy na ililigtas. Kami'y umaasa rin na patuloy niya
kaming ililigtas 11 sa tulong ng inyong mga panalangin. Sa gayon, marami
ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa pagpapala niya sa amin bilang
tugon sa panalangin ng marami.
2Tesalonica
Chapter 3:6-15
Dapat Maghanap buhay
3
6 Mga kapatid, iniuutos namin sa inyo sa pangalan ng Panginoong
Jesu-Cristo na layuan ninyo ang sinumang kapatid na tamad at ayaw
sumunod sa mga turo na ibinigay namin sa inyo. 7 Alam naman ninyo na
dapat ninyong tularan ang aming ginawa. Hindi kami naging tamad nang
kami'y kasama pa ninyo. 8 Hindi kami nakikain kaninuman nang walang
bayad. Nagtrabaho kami araw-gabi upang hindi makabigat kaninuman sa
inyo. 9 Ginawa namin ito hindi dahil sa wala kaming karapatan sa inyong
tulong, kundi upang kayo'y bigyan ng halimbawang dapat tularan. 10 Nang
kami ay kasama pa ninyo, ito ang itinuro namin sa inyo, “Ang ayaw
magtrabaho ay hindi dapat kumain.” 11 Binanggit namin ito dahil
nabalitaan naming may ilan sa inyong ayaw magtrabaho, at walang
inaatupag kundi ang makialam sa buhay ng may buhay. 12 Sa pangalan ng
Panginoong Jesu-Cristo, mahigpit naming iniuutos sa mga taong ito na
sila'y maghanapbuhay nang maayos at huwag umasa sa iba.
13
Mga kapatid, huwag kayong magsasawa sa paggawa ng mabuti. 14 Maaaring
mayroon sa inyo diyan na hindi susunod sa sinasabi namin sa sulat na
ito. Kung magkagayon, tandaan ninyo siya at huwag kayong makisama sa
kanya, upang siya'y mapahiya. 15 Ngunit huwag naman ninyo siyang ituring
na kaaway; sa halip, pagsabihan ninyo siya bilang kapwa
mananampalataya.
1Timoteo
0 comments:
Post a Comment