"Ang Pangangaral at Pagpapagaling ng Panginoong Jesu-Cristo"
"Bumsns
si Jesus, kasama sila, at tumayo sa isang patag na lugar. Naroon ang
marami sa kanyang mga alagad at ang napakaraming tao buhat sa buong
Judea at Jerusalem at sa mga bayan sa baybaying dagat ng Tiro at Sidon.
Pumaroon sila upang makinig sa kanya at ma[aggalong sa kanilang mga
karamdaman." Lucas 6:17-18
Nilibot
ni Jesus ang buong Galilea, nagtuturo sa mga sinagoga at ipinagaral ang
Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos. Pinagaling din niya ang
mga tao sa bawa't sakit at karamdaman."
Mateo 4:23
"Pagpasok
ni Jesus sa Capernaum, lumapit ang isang kapitan sa Hukbong omano at
nakiusap sa kanya:"Ginoo, ang alipin ko po'y naparalisis. Siya'y
nararatay sa amin at lubhang nahihirapan." "Paroon ako at pagagalingin
siya," sabi ni Jesus. Ngunit sumabot sa kanya nag kapitan, "Ginoo,
hindi po ako karapat dapat na puntahan pa ninyo sa aking bahay. Sabihin
po lamang ninyo at gagaling na ang aking alipin. At sinabi ni Jesus sa
kapitan, "Umuwi na kayo; ayon sa inyong pananalig, mangyayari ang hinihiling ninyo." Noon di'y gumaling ang alipin ng Kapitan." Mateo 8"5-8, 13
""Nasalita
ako sa kanila sa pamamagaitan ng talinghaga, sapagkat tumitingin sila
ngunit hindi nakakikita, at nakikinig ngunit hindi nakaririnig ni
nakauunawa. Natutupad nga sa kanila ang hula ni Isaias na nagsasabi:
'Makinig man kayo ng makinig, hindi kayo makauunawa. At tumingin man
kayo nang tumingin hindikayo makakikita. Sapagka't naging mapurol ang
isip ng mga taong ito; Mahirap makarinig ang kanilang mga tainga, At
ipinikit niula ang kanilang mga mata, Sapagkat ayaw nilang makakita ang
kanilang mga mata, Makarinig ang kanilang mga tainga, Makaunawa ang
kanilang mga isip, AT magbalik loob sa akin, At pagalingin ko sila, sabi
ng Panginoon. " Mateo 13:13-15
"Pakinggan
ninyo ang kahulugan ng talinghaga tungkol sa manghahasik. Ang mga
nakikinig ng Salita tungkol sa paghahari ng Diyos ngunit hindi
nakauunawa nito ay katulad ng mga binhing nahasik sa tabi ng daan.
Dumarating ang Masama at inaagaw ang nahasik sa kanilang puso.
Inilalarawan ng binhing nahasik sa kabatuhan ang nakikinig ng Salita at
masayang tumatanggap nito kaagad. Ntunit hindi ito tumitimo sa sa puso
nila kaya't hindi sila nananatili. Pagdating ng kapighatian o paguusig
dahil sa Salita, agad silang nanlalamig. Inilalarawan naman ng nahasik
sa dawagan ang nakikinig ng SAlita, ngunit naging abala sa mga bagay
ukol sa mundong ito, naging maibigin sa kayamanan anupa't ang SAlita'y
nawalan na ng puwang sa kanilang mga puso, kaya't hindi makapamunga. At
inilarawan ng nahasik sa mabuting lupa ang mga nakikinig ng SAlita at
nakauunawa nito. Sila'y nagsisipamunga may tigsandaan, ,ay
tig-aanimnapu, at may tigtataglumpo." Mateo 13:18-23
"ngunit
kung kulang ng karunungan ang sinuman sa inyo, humihingi siya sa Diyos
at siya'y bibigyan; sapagkat ang Diyos ay saganang magbigay at di
nanunumbat. Subalit ang humihingi'y dapat manalig at huwag
magalinlangan, sapagkat ang nag-aalinlangan ay parang alon sa dagat na
itinataboy ng hangin kahit saan. Huwag umasang tatanggap ng anuman mula
sa Panginoon ang taong pabagj-bago ng isip at di alam kung nao ang
talagang ibig." Santiago 1:5-8
Lucas
Chapter 6:17-19
Nagturo at Nagpagaling si Jesus
6 17 Pagbaba ni Jesus kasama ang mga apostol, nadatnan nila sa isang patag na lugar ang marami sa kanyang mga alagad, kasama ang napakaraming taong buhat sa Judea, Jerusalem, at mga bayan sa baybaying-dagat ng Tiro at Sidon. 18 Pumaroon sila upang makinig, at mapagaling sa kanilang mga karamdaman. Pinagaling nga sila ni Jesus, pati na rin ang mga pinapahirapan ng masasamang espiritu. 19 Sinisikap ng lahat ng maysakit na makahawak man lamang sa kanya, sapagkat may kapangyarihang nanggagaling sa kanya na nagpapagaling sa lahat.
Mateo 4 . 23 Nilibot ni Jesus ang buong Galilea. Nagtuturo siya sa mga sinagoga at ipinapangaral ang Magandang Balita tungkol sa paghahari ng Diyos. Pinapagaling din niya ang lahat ng uri ng sakit at karamdaman ng mga tao. 24 Ang balita tungkol sa kanya ay kumalat sa buong Siria kaya't dinadala sa kanya ang lahat ng maysakit at mga nahihirapan dahil sa iba't ibang karamdaman, mga sinasapian ng mga demonyo, mga may epilepsya at mga paralitiko. Silang lahat ay kanyang pinagaling. 25 Dahil dito, sinusundan siya ng napakaraming tao buhat sa Galilea, sa Decapolis, Jerusalem, Judea, at maging sa ibayo ng Jordan.
Mateo
Chapter 8: 5-13
Ang Pagpapagaling sa
Alipin ng Kapitan
8 5 Pagpasok ni Jesus sa Capernaum, lumapit sa kanya ang isang opisyal ng hukbong Romano at nakiusap, 6 “Ginoo, ang aking katulong ay naparalisado. Siya po'y nakaratay sa bahay at lubhang nahihirapan.” 7 Sinabi ni Jesus, “Pupuntahan ko siya at pagagalingin.” 8 Ngunit sumagot sa kanya ang opisyal, “Ginoo, hindi po ako karapat-dapat na puntahan pa ninyo sa aking bahay. Sabihin lamang po ninyo at gagaling na ang aking katulong. 9 Ako'y nasa ilalim ng mga nakakataas na pinuno at may nasasakupan ding mga kawal. Kapag inutusan ko ang isa, ‘Pumunta ka roon!’ siya'y pumupunta; at ang isa naman, ‘Halika!’ siya'y lumalapit. Kapag sinabi ko sa aking alipin, ‘Gawin mo ito!’ ginagawa nga niya iyon.” 10 Namangha si Jesus nang marinig ito at sinabi niya sa mga taong sumusunod sa kanya, “Tandaan ninyo: hindi pa ako nakakita ng ganito kalaking pananampalataya sa buong Israel. 11 Tandaan ninyo: marami ang darating buhat sa silangan at sa kanluran at dudulog sa hapag na kasalo nina Abraham, Isaac at Jacob sa kaharian ng langit. 12 Ngunit ang mga taong dapat sana'y kasama sa kaharian ay itatapon sa kadiliman; mananangis sila doon at magngangalit ang kanilang mga ngipin.” 13 At sinabi ni Jesus sa opisyal, “Umuwi ka na; mangyayari ang hinihiling mo ayon sa iyong pananampalataya.” Sa oras ding iyon ay gumaling ang katulong ng kapitan.
Mateo
Chapter 13:10-17
Ang Layunin ng mga Talinghaga
13 10 Lumapit ang mga alagad at tinanong si Jesus, “Bakit po kayo gumagamit ng talinghaga sa kanila?” 11 Sumagot siya, “Ipinagkaloob sa inyo ang karapatang maunawaan ang hiwaga tungkol sa kaharian ng langit, ngunit hindi ito ipinagkaloob sa kanila. 12 Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, at lalong magkakaroon; ngunit ang wala, kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa. 13 Nagsasalita ako sa kanila sa pamamagitan ng talinghaga sapagkat tumitingin sila ngunit hindi nakakakita, at nakikinig ngunit hindi naman nakakarinig ni nakakaunawa man.
14 Natutupad nga sa kanila ang propesiya ni Isaias na nagsasabi, ‘Makinig man kayo nang makinig, hindi kayo makakaunawa kailanman, at tumingin man kayo nang tumingin, hindi kayo makakakita kailanman. 15 Sapagkat naging mapurol na ang isip ng mga taong ito; mahirap makarinig ang kanilang mga tainga, at ipinikit nila ang kanilang mga mata, kung hindi gayon, sana'y nakakita ang kanilang mga mata, nakarinig ang kanilang mga tainga, nakaunawa ang kanilang mga isip, at nagbalik-loob sila sa akin, at pinagaling ko sila.’ 16 “Subalit pinagpala kayo sapagkat nakakakita ang inyong mga mata at nakakarinig ang inyong mga tainga! 17 Tandaan ninyo: maraming propeta at matutuwid na tao ang naghangad na makita ang inyong nasasaksihan at marinig ang inyong napapakinggan subalit hindi nila ito nakita ni narinig.”
Mateo
Chapter 13:10-17
Paliwanag sa Talinghaga
Tungkol lsa Manghhasik
18 “Makinig kayo at unawain ang kahulugan ng talinghaga tungkol sa manghahasik. 19 Kapag ang isang tao ay nakikinig ng mensahe tungkol sa paghahari ng Diyos ngunit hindi naman niya iyon inuunawa, siya ay katulad ng binhing nalaglag sa daan. Dumarating ang Masama at agad inaalis sa kanyang isip ang mensaheng kanyang napakinggan. 20 “Ang katulad naman ng binhing nalaglag sa mabatong lupa ay ang taong nakikinig ng mensahe na kaagad at masayang tumatanggap nito 21 ngunit hindi tumitimo ang mensahe sa kanyang puso. Sandali lamang itong nananatili, at pagdating ng mga kapighatian at pagsubok dahil sa mensahe, agad siyang tumatalikod sa kanyang pananampalataya. 22 “Ang binhi namang nahulog sa may matitinik na halaman ay ang mga taong nakikinig ng mensahe ngunit dahil sa pagkabalisa sa maraming mga bagay at pagkahumaling sa kayamanan, nawawalan ng puwang sa kanilang puso ang mensahe at hindi ito nagkakaroon ng bunga. 23 “At ang katulad naman ng binhing nahasik sa matabang lupa ay ang mga taong dumirinig at umuunawang mabuti sa mensahe, kaya't ito ay namumunga nang sagana, may tig-iisandaan, may tig-aanimnapu, at may tigtatatlumpu.”
Santiago
Chapter 1:2-8
Pananmpalataya at Karunguan
1 2 Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng pagsubok. 3 Dapat ninyong malaman na nagiging matatag ang inyong pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagsubok. 4 At dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang kayo'y maging ganap at walang pagkukulang. 5 Ngunit kung ang sinuman sa inyo ay kulang sa karunungan, humingi siya sa Diyos at siya'y bibigyan, sapagkat ang Diyos ay nagbibigay nang sagana at hindi nanunumbat. 6 Subalit ang humihingi ay dapat magtiwala sa Diyos at huwag mag-alinlangan, sapagkat ang nag-aalinlangan ay parang alon sa dagat na itinataboy ng hangin kahit saan. 7 Huwag umasang tatanggap ng anuman mula sa Panginoon ang taong 8 pabagu-bago ang isip at di alam kung ano talaga ang nais niya. 9
0 comments:
Post a Comment