THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates NOVEMBER 17, 2019
——————————————-------------------------—————–
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
——————————————-------------------------—————–
ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------
Nangaral si Jesus sa Judeo Lucas Chapter 4:42-44
Ang Apostol ni Cristo 1Corinto Chapter 4:1-21
Kautusan o Pananampalataya Galacia Chapter 3:1-14
Kautusan o Pananampalataya Galacia Chapter 3:1-14
Ang Paghuhukom 2Tesalonica Chapter 1:3-12
Ang Suwail 2Tesalonica Chapter 2:3,10
Mga Dapat na Maging Ugali ng mga Cristiano Tito Chapter 3:1-11
Tagubilin sa mga Tinawag at Hinirang ng Diyos 2 Pedro Chapter 1:3-14
Mga Dapat na Maging Ugali ng mga Cristiano Tito Chapter 3:1-11
Tagubilin sa mga Tinawag at Hinirang ng Diyos 2 Pedro Chapter 1:3-14
TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"UNITY IN SPREADING WORDS OF GOD"
"THE WORDS OF SALVATION"
"Subalit
sinabi niya sa kanila, "Dapat ko ring ipangaral sa ibang bayan ang
Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos; sapagkat iyan ang layunin
ng pagkasugo sa akin." Lucas 4:43
"Sapagkat ang paghahari ng Diyos ay hindi sa salita kundi sa gawa." 1Corinto 4:20
"Nananalig
sa Diyos si Abraham at siya ay pinagpala kaya't ang lahat ng nananalig
sa Diyos ay pagpapalain ding tulad niya." Galacia 3:9
Ito
ang katunayan ng makatarungang hatol ng Diyos: na kayo'y ariing
karapat-dapat sa kanyang kaharian na siyang dahilan ng inyong
pagtitiis. Darating siya sa gitna ng naglalagablab na apoy at
parurusahan ang lahat ng hindi kumilala sa Diyos at ang hindi sumunod sa
Mabuting Balita tungkol sa ating Panginoong Jesus." 2Tesalonica 1:5,8
"Sa
anumang paraan ay huwag kayong padadaya kaninuman. Ang Araw ng
Panginoon ay hindi darating hangga't di nagaganap ang huling
paghihimagsik laban sa Diyos at ang paglitaw ng Suwail. At gagamit siya
ng lahat ng uri ng pandaraya sa mga mapapahamak mga taong maliligtas
sana kung kanilang tinanggap ang inibig ng katotohanan." 2Tesalonica
3:3,10
"Sa
pamamagitan ng ating Tagapagligtas na si Jesu-Cristo, ibinuhos sa atin
ng Diyos ang Espiritu Santo upang tayo ay pabanalin ng kanyang pag-ibig
at kamtan nating ang buhay na ating inaasahan." Tito 3:6
"Dahil
dito, sikapin ninyong idagdag sa inyong pananampalataya, ang kabutihan
asal; sa kabutihan asal, ang kaalaman; sa kaalaman, ag pagsupil sa
sarili, sa pagsupil sa sarili, ang katatagan; sa katatagan, ang
kabanalan; sa kabanalan, ang pagmamalasakit sa kapatid; at sa
pagmamalasakit, ang pag-ibig." 2Pedro 1:5-7
Lucas
Chapter 4:42-44
Nangaral si Jesus sa Judeo
4
42 Nang mag-uumaga na, umalis si Jesus at nagpunta sa isang ilang na
pook. Hinanap siya ng mga tao, at nang matagpuan ay pinakiusapang huwag
muna siyang umalis. 43 Subalit
sinabi niya, “Dapat ko ring ipangaral sa ibang mga bayan ang Magandang
Balita tungkol sa kaharian ng Diyos, sapagkat ito ang dahilan kaya ako
isinugo.” 44 At nagpatuloy siya ng pangangaral sa mga sinagoga sa buong Judea.
1Corinto
Chapter 4:1-21
Ang Apostol ni Cristo
4 1 Dapat ninyong kilalanin na kami'y mga lingkod ni Cristo at katiwala ng mga hiwaga ng Diyos. 2 Ang katiwala'y kailangang maging tapat sa kanyang panginoon. 3 Walang anuman sa akin kung ako'y hatulan ninyo, o ng alinmang hukuman ng tao; ako man ay hindi humahatol sa aking sarili. 4 Malinis ang aking budhi, subalit hindi iyon katibayan na ako'y walang kasalanan. Ang Panginoon ang humahatol sa akin. 5 Kaya't huwag kayong humatol nang wala pa sa panahon; maghintay kayo sa pagdating ng Panginoon. Siya ang maglalantad ng mga bagay na ngayo'y natatago sa kadiliman at maghahayag ng mga lihim na hangarin ng bawat isa. Sa panahong iyon, bawat isa'y bibigyan ng Diyos ng angkop na parangal.
6
Mga kapatid, kami ni Apolos ang ginamit kong halimbawa para sa inyong
kapakinabangan, upang matutuhan ninyo ang kahulugan ng kasabihang,
“Huwag lalampas sa nasusulat.” Huwag ninyong ipagmalaki ang isang tao
upang hamakin ang iba. 7 Paano kayo nakakahigit sa iba? Hindi ba't lahat
ng nasa inyo'y ibinigay lamang sa inyo ng Diyos? Kung gayon, bakit
ninyo ipinagyayabang iyon na parang hindi kaloob sa inyo?
8
Kayo pala'y nasisiyahan na! Mayayaman na pala kayo! Kayo pala'y mga
hari na, at kami'y hindi. Sana nga'y naging hari na kayo upang kami man
ay maghari ding kasama ninyo. 9 Sa palagay ko, kaming mga apostol ang
ginawa ng Diyos na pinakahamak sa lahat ng tao. Ang katulad namin ay mga
taong nahatulan ng kamatayan; isang panoorin para sa sanlibutan, ng mga
anghel at ng mga tao. 10 Kami'y mga hangal alang-alang kay Cristo; kayo
nama'y marurunong dahil kay Cristo! Mahihina kami; kayo nama'y
malalakas. Hinahamak kami; kayo nama'y pinaparangalan! 11 Hanggang sa
oras na ito, kami'y nagugutom, nauuhaw, at halos hubad; kami'y
pinapahirapan at walang matirhan. 12 Nagpapakahirap kami at nagbabanat
ng buto para kumita ng ikabubuhay. Idinadalangin namin ang mga lumalait
sa amin; kapag kami'y inuusig, nagtitiis kami. 13 Kapag kami'y
sinisiraan, mahinahon kaming sumasagot. Hanggang ngayon, kami'y parang
maruming basahan, pinakahamak sa lahat ng tao sa mundo.
14
Ito'y isinusulat ko, hindi upang hiyain kayo, kundi upang pangaralan
bilang minamahal kong mga anak. 15 Kahit magkaroon pa kayo ng
napakaraming tagapagturo sa pamumuhay Cristiano, iisa lamang ang inyong
ama. Sapagkat kayo'y naging mga anak ko sa pananampalataya kay Cristo
Jesus sa pamamagitan ng Magandang Balitang ipinangaral ko sa inyo. 16
Kaya't isinasamo ko sa inyo, tularan ninyo ako. 17 Dahil dito, pinapunta
ko riyan si Timoteo, ang aking minamahal at tapat na anak sa Panginoon.
Ipapaalala niya sa inyo ang mga patakaran ko sa buhay sa pagsunod kay
Cristo Jesus. Ang mga patakaran ding iyon ang itinuturo ko sa bawat
iglesya sa lahat ng dako.
18
Nagmamalaki ang ilan sa inyo dahil ang akala nila'y hindi na ako
pupunta riyan. 19 Ngunit kung loloobin ng Panginoon, ako'y pupunta riyan
sa lalong madaling panahon. Titingnan ko kung anong kapangyarihan ang
ipinagmamalaki ng mga iyan, at hindi lamang ang kanilang sinasabi. 20 Sapagkat ang paghahari ng Diyos ay hindi sa salita, kundi sa kapangyarihan. 21 Alin ang gusto ninyo? Dumating ako riyan na may dalang pamalo, o mayroong diwa ng pag-ibig at kahinahunan?
Galacia
Chapter 3:1-14
Kautusan o Pananampalataya
3 1 Mga hangal kayong mga taga-Galacia! Sino ang nakagayuma sa inyo? Sa harap mismo ng inyong mga mata ay ipinakita ang pagkamatay ni Jesu-Cristo sa krus! 2 Sabihin nga ninyo, tinanggap ba ninyo ang Espiritu sa pamamagitan ng mga gawa ayon sa Kautusan o sa pamamagitan ng inyong pananalig sa inyong narinig tungkol kay Cristo? 3 Talagang napakahangal ninyo! Nagsimula na kayo sa Espiritu, at ngayo'y nais ninyong magtapos sa pamamagitan ng inyong sariling kapangyarihan! 4 Wala na bang halaga sa inyo ang mga naranasan ninyo? Marahil naman ay mayroon. 5 Dahil ba sa pagsunod ninyo sa kautusan ay ipinagkakaloob ng Diyos ang Espiritu sa inyo at gumagawa kayo ng mga himala, o dahil sa pananampalataya na inyong narinig tungkol kay Cristo?
6
Tulad ng nangyari kay Abraham, “Sumampalataya siya sa Diyos, at dahil
dito, siya'y itinuring ng Diyos na matuwid.” 7 Kung gayon, maliwanag na
ang mga nananalig sa Diyos ang mga tunay na anak ni Abraham. 8 Bago pa
ito nangyari ay ipinahayag na ng kasulatan na pawawalang-sala ng Diyos
ang mga Hentil sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang Magandang Balitang
ito ay ipinahayag na kay Abraham, “Sa pamamagitan mo'y pagpapalain ang
lahat ng bansa.” 9 Kaya naman pagpapalain ang mga sumasampalataya tulad ni Abraham na sumampalataya.
10
Ang lahat ng nagtitiwala sa pagsunod sa Kautusan ay nasa ilalim ng
isang sumpa. Sapagkat nasusulat, “Sumpain ang hindi sumusunod sa lahat
ng nakasulat sa aklat ng Kautusan.” 11 Malinaw na walang taong
pinapawalang-sala sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng Kautusan,
sapagkat sinasabi ng kasulatan, “Ang itinuring ng Diyos na matuwid sa
pamamagitan ng pananampalataya ay mabubuhay.” 12 Ang Kautusan ay hindi
nakabatay sa pananampalataya, sapagkat sinasabi ng kasulatan, “Ang
tumutupad sa lahat ng itinatakda ng Kautusan ay mabubuhay sa pamamagitan
ng mga ito.”
13
Tinubos tayo ni Cristo mula sa sumpa ng Kautusan nang siya ay isinumpa
para sa atin, sapagkat nasusulat, “Isinumpa ang bawat binibitay sa
punongkahoy.” 14 Ginawa ito ni Cristo upang ang mga pagpapalang
ipinangako ng Diyos kay Abraham ay makamtan din ng mga Hentil sa
pamamagitan ni Cristo Jesus at sa pamamagitan ng pananalig ay matanggap
natin ang Espiritung ipinangako ng Diyos.
2Tesalonica
Chapter 1:3-12
Ang Paghuhukom
1 1 Mula kina Pablo, Silas, at Timoteo— Para sa iglesya sa Tesalonica, na nasa Diyos na ating Ama at nasa Panginoong Jesu-Cristo. 2 Sumainyo nawa ang kagandahang-loob at ang kapayapaang mula sa [ating] Diyos Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo. 3 Mga kapatid, tama lamang na kami'y laging magpasalamat sa Diyos dahil sa inyo, sapagkat patuloy na lumalago ang inyong pananampalataya kay Cristo at lalong nagiging maalab ang inyong pagmamahalan sa isa't isa. 4 Kaya nga, ipinagmamalaki namin kayo sa lahat ng mga iglesya ng Diyos dahil sa inyong pagtitiis at pananampalataya, sa gitna ng mga pag-uusig at mga kahirapang dinaranas ninyo.
5
Ang lahat ng ito'y nagpapatunay na makatarungan ang paghatol ng Diyos,
upang gawin niya kayong karapat-dapat sa kanyang kaharian na siyang
dahilan ng inyong pagtitiis. 6 Gagawin ng Diyos ang
nararapat; tiyak na pahihirapan niya ang mga nagpapahirap sa inyo. 7
Kayo namang mga nagtitiis ay aaliwin niyang kasama namin kapag ang
Panginoong Jesus ay inihayag na mula sa langit kasama ang kanyang mga
makapangyarihang anghel, 8 na may
naglalagablab na apoy. Parurusahan ang lahat ng hindi kumikilala sa
Diyos at hindi sumusunod sa Magandang Balita ng Panginoong Jesus. 9
Magdurusa sila ng walang hanggang kapahamakan at mahihiwalay sila sa
Panginoon at sa dakila niyang kapangyarihan. 10 Mangyayari ito sa Araw
ng kanyang pagparito upang tumanggap ng papuri mula sa kanyang mga
hinirang at ng parangal ng lahat ng sumasampalataya sa kanya. Kabilang
kayo roon sapagkat sinampalatayanan ninyo ang patotoong ipinahayag namin
sa inyo.
11
Dahil dito, lagi namin kayong idinadalangin sa Diyos, na nawa'y maging
karapat-dapat kayo sa pagkatawag niya sa inyo. At sa pamamagitan ng
kanyang kapangyarihan, nawa'y ipagkaloob niya sa inyo ang lahat ng
mabuti ninyong hinahangad, at maging ganap ang inyong mga gawaing
ibinunga ng pananampalataya. 12 Sa gayon, mapaparangalan ninyo ang
pangalan ng ating Panginoong Jesus, at kayo naman ay pararangalan din
niya, ayon sa kagandahang-loob ng Diyos at ng ating Panginoong
Jesu-Cristo.
2Tesalonica
Chapter 2:3,10
Ang Suwail
2 1 Mga kapatid, tungkol naman sa pagbabalik ng ating Panginoong Jesu-Cristo at sa pagtitipon sa atin upang makapiling niya, nakikiusap kami sa inyo 2 na huwag agad magugulo ang inyong isipan o mababahala kung mabalitaan ninyong dumating na ang Araw ng Panginoon. Huwag kayong maniniwala kahit sabihin pa nilang iyon ay pangangaral o pahayag, o isinulat namin. 3 Huwag kayong magpapadaya kaninuman sa anumang paraan. Hindi darating ang Araw ng Panginoon hangga't di pa nagaganap ang huling paghihimagsik laban sa Diyos at ang paglitaw ng Suwail na itinakda sa kapahamakan. 4 Itataas niya ang kanyang sarili at kakalabanin ang lahat ng kinikilalang diyos at sinasamba ng mga tao. Uupo siya sa Templo ng Diyos at magpapakilalang siya ang Diyos.
5
Hindi ba ninyo natatandaan? Sinabi ko na ito sa inyo nang ako'y kasama
pa ninyo. 6 Hindi pa nga lamang nangyayari ito dahil may pumipigil pa,
at alam ninyo kung ano iyon. Lilitaw ang Suwail pagdating ng takdang
panahon. 7 Ngayon pa man ay gumagawa na ang hiwaga ng kasamaan at
mananatiling ganyan hangga't di naaalis ang humahadlang sa kanya. Kung
maalis na ang humahadlang, 8 malalantad na ang Suwail. Ngunit pagdating
ng Panginoong [Jesus], papatayin niya ang Suwail. Bubugahan niya ito ng
hininga mula sa kanyang bibig at pupuksain sa pamamagitan ng kanyang
nakakasilaw na liwanag. 9 Paglitaw ng Suwail, taglay niya ang
kapangyarihan ni Satanas. Gagawa siya ng lahat ng uri ng mapanlinlang na
mga himala at kababalaghan. 10
Gagamit siya ng lahat ng uri ng pandaraya sa mga mapapahamak dahil ayaw
nilang mahalin ang katotohanan na makakapagligtas sana sa kanila.
11 Dahil dito, hahayaan ng Diyos na sila'y malinlang ng espiritu ng
kamalian at maniwala sa kasinungalingan. 12 Sa gayon, mapaparusahan ang
lahat ng natuwa sa paggawa ng kasamaan sa halip na maniwala sa
katotohanan.
Tito
Chapter 3:1-11
Mga Dapat na Maging Ugali ng mga Cristiano
3 1 Paalalahanan mo ang mga kapatid na magpasakop sa mga pinuno at maykapangyarihan; sundin ang mga ito at laging maging handa sa paggawa ng mabuti. 2 Sabihan mo silang huwag magsalita ng masama laban kaninuman, umiwas sa pakikipag-away, at maging mahinahon at magalang sa lahat ng tao. 3 Noong una, tayo rin mismo ay mga hangal, hindi masunurin, naliligaw at naging alipin ng mga makamundong damdamin at lahat ng uri ng kalayawan. Naghari sa atin ang masamang isipan at pagkainggit. Tayo'y kinapootan ng iba at sila'y kinapootan din natin. 4 Ngunit nang mahayag ang kabutihan at pag-ibig ng Diyos na ating Tagapagligtas, 5 iniligtas niya tayo, hindi dahil sa ating mabubuting gawa kundi dahil sa kanyang habag sa atin. Tayo'y iniligtas niya sa pamamagitan ng Espiritu Santo na naghugas sa atin upang tayo'y ipanganak na muli at magkaroon ng bagong buhay. 6 Masaganang ipinagkaloob ng Diyos sa atin ang Espiritu Santo sa pamamagitan ng ating Tagapagligtas na si Jesu-Cristo, 7 upang tayo'y gawing matuwid sa pamamagitan ng kanyang kagandahang-loob, at tayo'y maging tagapagmana ng inaasahan nating buhay na walang hanggan.
8
Mapagkakatiwalaan ang aral na ito. Kaya't ang nais ko'y buong tiyaga
mong ituro ito sa mga nananalig sa Diyos upang ilaan nila ang kanilang
sarili sa paggawa ng mabuti, na siyang karapat-dapat at
kapaki-pakinabang sa mga tao. 9 Iwasan mo ang mga walang kabuluhang
pagtatalo, ang di matapus-tapos na talaan ng mga ninuno, at ang mga away
at alitan tungkol sa Kautusan. Ang mga ito ay walang pakinabang at
walang halaga. 10 Pagkatapos mong sawaying minsan o makalawa, iwasan mo
na ang taong lumilikha ng pagkakabaha-bahagi, 11 dahil alam mong ang
ganyang tao ay masama at ang kanyang sariling mga kasalanan ang
nagpapakilalang siya'y mali.
2 Pedro
Chapter 1:3-14
Tagubilin sa mga Tinawag at Hinirang ng Diyos
1 1 Mula kay Simon Pedro, isang lingkod at apostol ni Jesu-Cristo— Para sa inyong lahat na tulad nami'y tumanggap ng napakahalagang pananampalatayang mula sa ating makatarungang Diyos at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. 2 Sumagana nawa sa inyo ang kagandahang-loob at kapayapaan ng Diyos sa pamamagitan ng inyong pagkakilala sa kanya at sa ating Panginoong Jesus. 3 Tinanggap natin sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos ang lahat ng bagay na magtuturo sa atin upang tayo'y mamuhay na maka-Diyos. Ito'y dahil sa ating pagkakilala kay Jesus, na siya ring tumawag sa atin upang bahaginan tayo ng kanyang kaluwalhatian at kadakilaan. 4 Sa paraang ito ay binigyan niya tayo ng mga dakila at napakahalagang pangako upang makaiwas kayo sa nakakasirang pagnanasa sa sanlibutang ito at upang makabahagi tayo sa kanyang likas bilang Diyos. 5 Dahil dito, sikapin ninyong idagdag sa inyong pananampalataya ang kabutihan; sa inyong kabutihan, ang kaalaman; 6 sa inyong kaalaman, ang pagpipigil sa sarili; sa inyong pagpipigil sa sarili, ang katatagan; sa inyong katatagan, ang pagiging maka-Diyos; 7 sa inyong pagiging maka-Diyos, ang pagmamalasakit sa kapatid; at sa inyong pagmamalasakit, ang pag-ibig. 8 Kung ang mga katangiang ito ay taglay ninyo at pinagyayaman, ang inyong pagkakilala sa Panginoong Jesu-Cristo ay hindi mawawalan ng kabuluhan at kapakinabangan. 9 Ngunit kung wala sa inyo ang mga ito, kayo ay parang bulag at hindi nakakakita, at nakalimot na nilinis na kayo sa inyong mga kasalanan. 10 Kaya nga, mga kapatid, lalo kayong maging masigasig upang matiyak ninyo na kayo ay tinawag at pinili ng Diyos. Kung gagawin ninyo ito, hindi kayo matitisod. 11 Sa ganitong paraan, kayo'y malugod na papapasukin sa walang hanggang kaharian ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo.
12
Kaya, kahit na alam na ninyo ang katotohanang inyong tinanggap at
matatag na kayo rito, lagi ko pa rin kayong paaalalahanan tungkol dito.
13 Minabuti kong sariwain ito sa inyong isipan habang ako'y nabubuhay
pa. 14 Alam kong malapit ko nang iwan ang katawang ito, ayon sa
ipinahayag sa akin ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 15 Kaya't gagawin ko
ang lahat upang maalala pa rin ninyong lagi ang mga bagay na ito kahit
ako'y pumanaw na.
THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS
Mga Awit
Chapter 52:1-9
The Decietful Tongue
52
1 Bakit ka naghahambog sa kasamaan, Oh makapangyarihang tao? Ang
kagandahang-loob ng Dios ay palagi. 2 Ang dila mo'y kumakatha ng totoong
masama; gaya ng matalas na pangahit, na gumagawang may karayaan. 3
Iniibig mo ang kasamaan ng higit kay sa kabutihan; at ang
pagsisinungaling kay sa pagsasalita ng katuwiran. (Selah) 4 Iniibig mo
ang lahat na mananakmal na salita, Oh ikaw na magdarayang dila. 5
Ilulugmok ka ring gayon ng Dios magpakailan man, itataas ka niya, at
ilalabas ka sa iyong tolda, at bubunutin ka niya sa lupain ng may buhay.
(Selah) 6 Makikita naman ng matuwid, at matatakot, at tatawa sa kaniya,
na magsasabi, 7 Narito, ito ang tao na hindi ginawang kaniyang
katibayan, ang Dios; kundi tumiwala sa kasaganaan ng kaniyang mga
kayamanan, at nagpakalakas sa kaniyang kasamaan. 8 Nguni't tungkol sa
akin, ay gaya ako ng sariwang punong kahoy ng olibo sa bahay ng Dios:
tumitiwala ako sa kagandahang-loob ng Dios magpakailan-kailan man. 9
Ako'y magpapasalamat sa iyo magpakailan man, sapagka't iyong ginawa: at
ako'y maghihintay sa iyong pangalan sapagka't mabuti, sa harapan ng
iyong mga banal.
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
---------------------------------------------------------------------------------------------------
EFESO 4:17-18 5:15-17 HEBREWS 4"7
17Sa
pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong
mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos.
Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
HEBREWS 4:7
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO." 2THESSALONIANS 2:2-14
"Tinatawag
kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa
inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."
--------------------------------------------------------------------------------------------------
"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"
THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION
LINKS:
ENGLISH
TAGALOG VERSION
READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG
BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
----------------------------------
-----------------------------------------------------------------
----------------------------------
0 comments:
Post a Comment