THE BIBLE VERSES
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates DECEMBER 01, 2019
——————————————-------------------------—————–
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
——————————————-------------------------—————–
ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------
Itinakwil ng mga Judio si Jesus Juan Chapter 10:22-42
10 22 Taglamig na noon at kasalukuyang ipinagdiriwang sa Jerusalem ang Pista ng Pagtatalaga ng Templo. 23 Habang naglalakad si Jesus sa Templo, sa Portiko ni Solomon, 24 pinaligiran siya ng mga Judio at sinabi sa kanya, “Hanggang kailan mo kami paghihintayin? Kung ikaw nga ang Cristo, sabihin mo na nang maliwanag.” 25 Sumagot si Jesus, “Sinabi ko na sa inyo, ngunit ayaw ninyong maniwala. Ang mga ginagawa ko sa pangalan ng aking Ama ang nagpapatotoo tungkol sa akin. 26 Ngunit ayaw ninyong maniwala sapagkat hindi kayo kabilang sa aking mga tupa. 27 Nakikinig sa akin ang aking mga tupa; nakikilala ko sila, at sumusunod sila sa akin. 28 Binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan. Kailanma'y hindi sila mapapahamak at hindi sila maaagaw sa akin ninuman. 29 Ang aking Ama na siyang nagbigay sa kanila sa akin ay lalong dakila sa lahat, at hindi sila maaagaw ninuman sa aking Ama. 30 Ako at ang Ama ay iisa.”
15 1 Tayong malalakas sa paniniwala ay dapat tumulong sa mahihina at huwag ang pansariling kasiyahan lamang ang ating isipin. 2 Sikapin nating lahat na itaguyod ang kapakanan ng ating kapwa para sa kanyang ikalalakas. 3 Sapagkat maging si Cristo man ay hindi naghangad ng sariling kasiyahan subalit nagpaubaya; tulad ng nasusulat, “Ako ang binagsakan ng mga pag-alipusta na sa iyo ipinapatama.” 4 Anumang nasa Kasulatan noon pang una ay nasulat sa ikatututo natin, upang sa pamamagitan ng pagtitiis at sa pagpapalakas ng loob mula sa kasulatan ay magkaroon tayo ng pag-asa. 5 Ipagkaloob nawa ng Diyos, na siyang nagbibigay sa atin ng katatagan at lakas ng loob, na kayo'y mamuhay nang may pagkakaisa ayon kay Cristo Jesus, 6 upang sa gayon, nagkakaisa kayong magpupuri sa Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
10 1 Mga kapatid, nais kong malaman ninyo ang nangyari sa ating mga ninuno noong panahon ni Moises. Silang lahat ay naliliman ng ulap sa kanilang paglalakbay at sa pagtawid sa Dagat na Pula. 2 Sa gayon, nabautismuhan silang lahat sa ulap at sa dagat bilang mga tagasunod ni Moises. 3 Kumain silang lahat ng iisang pagkaing espirituwal, 4 at uminom din ng iisang inuming espirituwal, sapagkat uminom sila sa batong espirituwal na sumubaybay sa kanila, at ang batong iyon ay si Cristo. 5 Gayunman, hindi kinalugdan ng Diyos ang marami sa kanila, kaya't nagkalat ang kanilang mga bangkay sa ilang.
13 1 Patuloy kayong magmahalan bilang magkakapatid kay Cristo. 2 Palaging maging bukás ang inyong mga tahanan para sa mga taga-ibang bayan. May ilang tao noon na nakapagpatulóy ng mga anghel, lingid sa kanilang kaalaman. 3 Alalahanin ninyo ang mga nakabilanggo, na parang kayo'y nakabilanggo ring kasama nila. Damayan din ninyo ang mga pinagmamalupitan, na parang kayo'y dumaranas din ng ganoon.
Bigyang kasiyan ang Kapwa Huwag ang Sarili Roma Chapter 15:1-6
Babala Tungkol Sa Diyus Diyusan 1Corinto Chapter 10:1-33
Paglilingkod na Nakalulugod sa Diyos Hebreo Chapter 13:1-18
Babala Tungkol Sa Diyus Diyusan 1Corinto Chapter 10:1-33
Paglilingkod na Nakalulugod sa Diyos Hebreo Chapter 13:1-18
TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"PAGBUBUKLOD NG LAHAT
MULA SA SIMBAHAN"
"Nakikinig
sa akin ang aking mga tupa; nakikilala ko sila, at sumusunod sila sa
akin. Binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan, at kailanma'y di
sila mapapahamak; hindi sila maagaw sa akin ninuman." Juan 10:27-28
"Loobin
nawa ng Diyos ang nagpapatatag at nagpapalakas ng loob na mamuhay
kayong may pagkakaisa kay Cristo Jesus, upang sama sama kayong magpuri
sa Diyos at Ama ng atIng Panginoong Jesu-Cristo." Roma 15:5
"Kaya nga, mga minamahal, huwag kayong sasamba sa mga diyus-diyusan." 1Corinto 10:14
"Kayat
lagi tayong maghandog ng hain ng pagpupuri sa Diyos sa pamamagitan ni
Jesus pagpupuring nagpapahayag ng ating pagkilala sa kanyang pangalan."
Hebreo 13:15
"Pasakop
kayo sa mga nangangasiwa sa inyo; sila'y may pananagutang magbantay sa
inyo, at magbigay sulit sila sa Diyos ukol dito. Kung sila ay susundin
ninyo, magagalak sila sa pagtupad ng kanilang tungkulin; kund hindi,
sila'y mahahapis, at hindi ito makabubuti sa inyo." Hebreo 13:17
Juan
Chapter 10:22-42
Itinakwil ng mga Judio si Jesus
10 22 Taglamig na noon at kasalukuyang ipinagdiriwang sa Jerusalem ang Pista ng Pagtatalaga ng Templo. 23 Habang naglalakad si Jesus sa Templo, sa Portiko ni Solomon, 24 pinaligiran siya ng mga Judio at sinabi sa kanya, “Hanggang kailan mo kami paghihintayin? Kung ikaw nga ang Cristo, sabihin mo na nang maliwanag.” 25 Sumagot si Jesus, “Sinabi ko na sa inyo, ngunit ayaw ninyong maniwala. Ang mga ginagawa ko sa pangalan ng aking Ama ang nagpapatotoo tungkol sa akin. 26 Ngunit ayaw ninyong maniwala sapagkat hindi kayo kabilang sa aking mga tupa. 27 Nakikinig sa akin ang aking mga tupa; nakikilala ko sila, at sumusunod sila sa akin. 28 Binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan. Kailanma'y hindi sila mapapahamak at hindi sila maaagaw sa akin ninuman. 29 Ang aking Ama na siyang nagbigay sa kanila sa akin ay lalong dakila sa lahat, at hindi sila maaagaw ninuman sa aking Ama. 30 Ako at ang Ama ay iisa.”
31
Muling dumampot ng bato ang mga Judio upang batuhin si Jesus. 32 Kaya't
sinabi niya sa kanila, “Marami akong ipinakita sa inyo na mabubuting
gawa mula sa Ama. Alin sa mga ito ang dahilan at ako'y inyong
babatuhin?” 33 Sumagot ang mga Judio, “Hindi dahil sa mabubuting gawa
kaya ka namin babatuhin, kundi dahil sa paglapastangan mo sa Diyos!
Sapagkat ipinapantay mo ang iyong sarili sa Diyos, gayong tao ka
lamang.” 34 Tumugon si Jesus, “Hindi ba nasusulat sa inyong Kautusan,
‘Sinabi ko, mga diyos kayo’? 35 Tinawag na diyos ang mga pinagkatiwalaan
ng salita ng Diyos, at hindi maaaring ipawalang-bisa ang sinasabi ng
kasulatan. 36 Ako'y pinili at isinugo ng Ama; paano ninyo ngayon
masasabing nilalapastangan ko ang Diyos dahil sa sinabi kong ako ang
Anak ng Diyos? 37 Kung hindi ko ginagawa ang mga ipinapagawa ng aking
Ama, huwag ninyo akong paniwalaan. 38 Ngunit kung ginagawa ko ang mga
ito, paniwalaan ninyo ang aking mga gawa kung ayaw man ninyong maniwala
sa akin. Sa gayon, matitiyak ninyong nasa akin ang Ama at ako'y nasa
Ama.”
39 Kaya't tinangka na naman nilang dakpin si Jesus, ngunit natakasan niya sila.
40
Muling pumunta si Jesus sa ibayo ng Jordan, sa pook na dating
pinagbabautismuhan ni Juan. Nanatili siya roon 41 at maraming lumapit sa
kanya. Sinabi nila, “Walang ginawang himala si Juan ngunit totoo ang
lahat ng sinabi niya tungkol sa taong ito.” 42 At doo'y maraming
sumampalataya kay Jesus.
Roma
Chapter 15:1-6
Bigyang kasiyan ang Kapwa Huwag ang Sarili
15 1 Tayong malalakas sa paniniwala ay dapat tumulong sa mahihina at huwag ang pansariling kasiyahan lamang ang ating isipin. 2 Sikapin nating lahat na itaguyod ang kapakanan ng ating kapwa para sa kanyang ikalalakas. 3 Sapagkat maging si Cristo man ay hindi naghangad ng sariling kasiyahan subalit nagpaubaya; tulad ng nasusulat, “Ako ang binagsakan ng mga pag-alipusta na sa iyo ipinapatama.” 4 Anumang nasa Kasulatan noon pang una ay nasulat sa ikatututo natin, upang sa pamamagitan ng pagtitiis at sa pagpapalakas ng loob mula sa kasulatan ay magkaroon tayo ng pag-asa. 5 Ipagkaloob nawa ng Diyos, na siyang nagbibigay sa atin ng katatagan at lakas ng loob, na kayo'y mamuhay nang may pagkakaisa ayon kay Cristo Jesus, 6 upang sa gayon, nagkakaisa kayong magpupuri sa Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
1Corinto
Chapter 10:1-33
Babala Tungkol Sa Diyus Diyusan
10 1 Mga kapatid, nais kong malaman ninyo ang nangyari sa ating mga ninuno noong panahon ni Moises. Silang lahat ay naliliman ng ulap sa kanilang paglalakbay at sa pagtawid sa Dagat na Pula. 2 Sa gayon, nabautismuhan silang lahat sa ulap at sa dagat bilang mga tagasunod ni Moises. 3 Kumain silang lahat ng iisang pagkaing espirituwal, 4 at uminom din ng iisang inuming espirituwal, sapagkat uminom sila sa batong espirituwal na sumubaybay sa kanila, at ang batong iyon ay si Cristo. 5 Gayunman, hindi kinalugdan ng Diyos ang marami sa kanila, kaya't nagkalat ang kanilang mga bangkay sa ilang.
6
Ang lahat ng mga nangyaring iyon ay babala sa atin upang huwag tayong
maghangad ng masasamang bagay, gaya ng ginawa nila. 7 Huwag kayong
sasamba sa mga diyus-diyosan, gaya ng ginawa ng ilan sa kanila. Ayon sa
nasusulat, “Umupo ang mga tao upang magkainan at mag-inuman, at tumayo
upang magsayaw.” 8 Huwag tayong makikiapid, gaya ng ginawa ng ilan sa
kanila, kaya't dalawampu't tatlong libong tao ang namatay sa loob lamang
ng isang araw. 9 Huwag nating susubukin si Cristo, gaya ng ginawa ng
ilan sa kanila; dahil sa ginawa nila, pinuksa sila ng mga ahas. 10 Huwag
din tayong magreklamo, tulad ng ilan sa kanila, kaya't nilipol naman
sila ng anghel na namumuksa.
11
Nangyari iyon sa kanila bilang babala sa iba, at isinulat upang tayo
namang nabubuhay ngayong mga huling araw ay maturuan. 12 Kaya't
mag-ingat ang sinumang nag-aakalang siya'y nakatayo, at baka siya
mabuwal. 13 Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na hindi nararanasan
ng ibang tao. Tapat ang Diyos, at hindi niya ipapahintulot na kayo'y
subukin nang higit sa inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng pagsubok,
bibigyan niya kayo ng lakas upang makayanan ito at ng paraan upang
malampasan ito.
14 Kaya nga, mga minamahal, iwasan ninyo ang pagsamba sa mga diyus-diyosan. 15
Kinakausap ko kayo bilang matatalinong tao; husgahan ninyo ang sinasabi
ko. 16 Hindi ba't ang pag-inom natin sa kopa ng pagpapala na ating
ipinagpapasalamat ay pakikibahagi sa dugo ni Cristo? At ang pagkain
natin ng tinapay na ating pinipira-piraso ay pakikibahagi naman sa
kanyang katawan? 17 Kaya nga, dahil iisa lamang ang tinapay, tayo'y
iisang katawan kahit na tayo'y marami, sapagkat nagsasalu-salo tayo sa
iisang tinapay.
18
Tingnan ninyo ang bansang Israel. Hindi ba't ang mga kumakain ng mga
handog ay nakikibahagi sa ginagawa sa dambana? 19 Anong ibig kong
sabihin? Sinasabi ko bang ang diyus-diyosan, o ang pagkaing inihandog sa
mga diyus-diyosan ay may kabuluhan? 20 Hindi! Ang ibig kong sabihin,
ang mga pagano ay nag-aalay ng kanilang handog sa mga demonyo, at hindi
sa Diyos. Ayaw kong maging kaisa kayo ng mga demonyo. 21 Hindi kayo
makakainom sa kopa ng Panginoon at gayundin sa kopa ng mga demonyo.
Hindi kayo maaaring makisalo sa hapag ng Panginoon at makisalo rin sa
hapag ng mga demonyo. 22 Nais ba nating manibugho ang Panginoon? Akala
ba ninyo'y mas makapangyarihan tayo kaysa sa kanya?
23
Mayroon namang magsasabi, “Malaya akong gumawa ng anuman,” ngunit hindi
lahat ng ito ay nakakabuti. “Malaya akong gumawa ng anuman,” ngunit
hindi rin lahat ng ito'y nakakatulong. 24 Huwag ang sariling kapakanan
ang unahin ninyo, kundi ang sa iba.
25
Kumain kayo ng anumang nabibili sa tindahan ng karne at huwag nang
magtanong pa upang hindi mabagabag ang inyong budhi. 26 Sapagkat
sinasabi ng kasulatan, “Ang buong daigdig at lahat ng naroroon, ang
Panginoon ang may-ari niyon!”
27
Kung anyayahan kayo ng isang hindi sumasampalataya at nais ninyong
dumalo, kainin ninyo ang anumang ihain sa inyo at huwag na kayong
magtanong pa kung iyon ay ikagugulo ng inyong budhi. 28 Ngunit kung may
magsabi sa inyo, “Ito'y inialay sa mga diyus-diyosan,” huwag ninyong
kainin iyon alang-alang sa nagsabi sa inyo, upang di mabagabag ang
budhi. 29 Ang aking tinutukoy ay ang budhi ng inyong kapwa, at hindi ang
budhi ninyo. Bakit hahadlangan ng budhi ng iba ang aking kalayaan? 30
Bakit ako susumbatan dahil sa pagkain ko ng mga bagay na ipinagpasalamat
ko naman sa Diyos?
31
Kaya nga, kung kayo'y kumakain o umiinom, o anuman ang ginagawa ninyo,
gawin ninyo ang lahat sa ikararangal ng Diyos. 32 Huwag kayong maging
sanhi ng pagkakasala ninuman, ng mga Judio, ng mga Hentil, o ng mga
kaanib sa iglesya ng Diyos, 33 sa halip, tularan ninyo ang ginagawa ko.
Sinisikap kong mabigyang kasiyahan ang lahat ng tao sa bawat ginagawa
ko. Hindi ko inuuna ang sarili kong kapakanan kundi ang kapakanan ng
marami, upang maligtas sila.
Hebreo
Chapter 13:1-18
Paglilingkod na Nakalulugod sa Diyos
13 1 Patuloy kayong magmahalan bilang magkakapatid kay Cristo. 2 Palaging maging bukás ang inyong mga tahanan para sa mga taga-ibang bayan. May ilang tao noon na nakapagpatulóy ng mga anghel, lingid sa kanilang kaalaman. 3 Alalahanin ninyo ang mga nakabilanggo, na parang kayo'y nakabilanggo ring kasama nila. Damayan din ninyo ang mga pinagmamalupitan, na parang kayo'y dumaranas din ng ganoon.
4
Dapat ituring na marangal ng lahat ang pag-aasawa at maging tapat kayo
sa isa't isa, sapagkat hahatulan ng Diyos ang mga nakikiapid at
nangangalunya. 5 Huwag kayong magmukhang pera; at masiyahan na kayo sa
anumang nasa inyo. Sapagkat sinabi ng Diyos, “Hindi kita iiwan ni
pababayaan man.” 6 Kaya't malakas ang loob nating masasabi, “Ang
Panginoon ang tumutulong sa akin, hindi ako matatakot. Ano ang magagawa
sa akin ng tao?”
7
Alalahanin ninyo ang mga namumuno sa inyo, na nagpahayag sa inyo ng
salita ng Diyos. Isipin ninyo kung paano sila namuhay, at tularan ninyo
ang kanilang pananampalataya. 8 Kung sino si Jesu-Cristo noon ay siya
rin ngayon at magpakailanman. 9 Huwag kayong patangay sa mga sari-sari
at kakaibang katuruan. Mas mabuti para sa atin ang mapanatag ang ating
kalooban sa pamamagitan ng kagandahang-loob ng Diyos kaysa sa
pamamagitan ng pagsunod sa mga walang pakinabang na mga utos tungkol sa
pagkain.
10
Tayo'y may isang dambana, at ang mga paring naglilingkod sa sambahan ay
hindi maaaring kumain ng mga inihandog sa dambanang ito. 11 Ang dugo ng
mga hayop ay dinadala ng pinakapunong pari sa Dakong Kabanal-banalan
upang ialay bilang handog dahil sa kasalanan, ngunit ang katawan ng mga
hayop ay sinusunog sa labas ng kampo. 12 Gayundin naman, namatay si
Jesus sa labas ng lungsod upang linisin niya ang tao sa kanilang
kasalanan, sa pamamagitan ng kanyang dugo. 13 Kaya't pumunta tayo sa
kanya sa labas ng kampo at magtiis din ng kahirapang kanyang tiniis. 14
Sapagkat hindi rito sa lupa ang tunay na lungsod natin, at ang hinahanap
natin ay ang lungsod na darating. 15
[Kaya't] lagi tayong mag-alay ng papuri bilang handog sa Diyos sa
pamamagitan ni Jesus, papuring mula sa ating mga labi na nagpapahayag ng
ating pagkilala sa kanyang pangalan. 16 At huwag nating kaligtaan ang paggawa ng mabuti at ang pagtulong sa kapwa, sapagkat iyan ang alay na kinalulugdan ng Diyos.
17
Pasakop kayo at sumunod sa mga namamahala sa inyo. Sila'y nangangalaga
sa inyo, at mananagot sila sa Diyos sa gawaing ito. Kung sila'y susundin
ninyo, magagalak sila sa pagtupad ng kanilang tungkulin; kung hindi,
sila'y mamimighati, at hindi ito makakabuti sa inyo.
18
Ipanalangin ninyo kami. Nakakatiyak kaming malinis ang aming budhi at
hinahangad naming mabuhay nang matuwid sa lahat ng panahon.
THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS
Mga Awit
Chapter 103:1-6
Praide of Divine Goodness
103
1 Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko: at lahat na nangasa loob ko
ay magsisipuri sa kaniyang banal na pangalan. 2 Purihin mo ang
Panginoon, Oh kaluluwa ko, at huwag mong kalimutan ang lahat niyang
mabubuting gawa. 3 Na siyang nagpapatawad ng iyong lahat na mga
kasamaan; na siyang nagpapagaling ng iyong lahat na mga sakit; 4 Na
siyang tumutubos ng iyong buhay sa pagkapahamak: na siyang nagpuputong
sa iyo ng kagandahang-loob at malumanay na mga kaawaan: 5 Na siyang
bumubusog sa iyong bibig ng mabuting bagay; Na anopa't ang iyong
kabataan ay nababagong parang agila. 6 Ang Panginoon ay nagsasagawa ng
mga matuwid na gawa, at ng mga kahatulan na ukol sa lahat na naaapi.
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
---------------------------------------------------------------------------------------------------
EFESO 4:17-18 5:15-17 HEBREWS 4"7
17Sa
pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong
mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos.
Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
HEBREWS 4:7
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO." 2THESSALONIANS 2:2-14
"Tinatawag
kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa
inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."
--------------------------------------------------------------------------------------------------
"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"
THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION
LINKS:
ENGLISH
TAGALOG VERSION
READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG
BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
----------------------------------
-----------------------------------------------------------------
----------------------------------
0 comments:
Post a Comment