THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates NOVEMBER 10, 2019
——————————————-------------------------—————–
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
——————————————-------------------------—————–
ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------
Salamat sa inyong Tulong Filipos Chapter 4:0-20
Maging Handa sa Pagdating ng Panginoon 1Tesalonica Chapter 5:12-28
Paglilingkod na Nakalulugod sa Diyos Hebreo Chapter 13:1-18
TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"Magpasalamat sa Diyos at Kristo Hesus
at mabubuting loob sa mga tulong at Malasakit"
"Ang
mga ito ay masasamyong handog sa Diyos, mga haing kalugod -lugod at
kaaya-aya sa kanya. At buhay sa kayamanan niyang hindi nauubos,
ibibigay niya ang lahat ng inyog kailangan, sa pamamagitan ni Cristo
Jesus" Filipos 4:18-19
""Magalak
kayong lagi; maging matiyaga sa pananalangin. Ipagpasalamat ninyo sa
pangalan ni Cristo Jesus ang lahat ng pangyayari, sapagkat yaon ang ibig
ng Diyos." 1Tesalonica 5:16-18
"Magpatuloy kayong nagiibigan bilang magkapatid kay Cristo." Hebreo 13:1
At
Huwag nating kaliligtaan ang paggawa ng mabuti at ang pagtulong sa iba,
sapagkat iyan ang haing kinalulugdan ng Diyos." Hebreo 13:16
Filipos
Chapter 4:0-20
Salamat sa inyong Tulong
4 10 Labis akong nagagalak sa Panginoon sapagkat pagkaraan ng mahabang panahon, minsan pang ipinamalas ninyo ang inyong pagmamalasakit sa akin. Alam kong hindi ninyo ako nalilimutan, wala nga lamang kayong pagkakataong ipamalas ito. 11 Hindi ko sinasabi ito dahil sa kayo'y pinaghahanapan ko ng tulong. Natutunan ko nang masiyahan, maging anuman ang aking kalagayan. 12 Alam ko kung paano maghikahos; alam ko rin kung paano managana; natutunan ko na ang sikreto kung paano masiyahan sa anumang kalagayan sa buhay, ang mabusog o ang magutom, ang managana o ang maghirap. 13 Ang lahat ng ito'y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo.
14 Gayunman, ikinagagalak ko ang inyong pagdamay sa aking mga
paghihirap. 15 Alam naman ninyo, mga taga-Filipos, na kayo lamang ang
iglesyang tumulong sa aking mga pangangailangan nang umalis ako sa
Macedonia noong ako'y nagsisimula pa lamang sa pangangaral ng Magandang
Balita. 16 Noong ako'y nasa Tesalonica na, makailang ulit ding
pinadalhan ninyo ako ng tulong. 17 Hindi sa hangad kong laging tumanggap
ng mga kaloob, kundi ang nais ko ay makatanggap kayo ng masaganang
gantimpala. 18 Ang liham na ito
ang pagkilala sa lahat ng mga kaloob ninyo sa akin. Higit pa sa
pangangailangan ko ang tulong ninyo sa akin na hatid ni Epafrodito. Ang
mga ito ay tulad ng mabangong handog sa Diyos, mga alay na
katanggap-tanggap at kalugud-lugod sa kanya. 19 At buhat sa hindi
mauubos na kayamanan ng Diyos, ibibigay niya ang lahat ng inyong
kailangan sa pamamagitan ni Cristo Jesus. 20 Purihin ang ating Diyos at Ama magpakailanman! Amen.
1Tesalonica
Chapter 5:12-28
Maging Handa sa Pagdating ng Panginoon
5 12 Mga kapatid, ipinapakiusap namin na igalang ninyo ang mga nagpapakahirap sa pamamahala at pagtuturo sa inyo alang-alang sa Panginoon. 13 Pag-ukulan ninyo sila ng lubos na paggalang at pag-ibig dahil sa kanilang gawain. Makitungo kayo sa isa't isa nang may kapayapaan.
14
Mga kapatid, ipinapakiusap din namin na inyong pagsabihan ang mga
tamad, pasiglahin ang mahihinang-loob, at kalingain ang mga mahihina.
Maging matiyaga kayo sa kanilang lahat. 15 Huwag ninyong paghigantihan
ang gumawa sa inyo ng masama; sa halip, magpatuloy kayo sa paggawa ng
mabuti sa isa't isa at sa lahat.
16
Magalak kayong lagi, 17 palagi kayong manalangin, 18 at magpasalamat
kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng
Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.
19
Huwag ninyong hadlangan ang Espiritu Santo. 20 Huwag ninyong
baleiwalain ang anumang pahayag mula sa Diyos. 21 Suriin ninyo ang lahat
ng bagay at panghawakan ang mabuti. 22 Lumayo kayo sa lahat ng uri ng
kasamaan.
23
Nawa'y lubusan kayong gawing banal ng Diyos na siyang nagbibigay ng
kapayapaan. At nawa'y panatilihin niyang walang kapintasan ang buo
ninyong katauhan, ang espiritu, kaluluwa at katawan, hanggang sa
pagparito ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 24 Tapat ang tumawag sa inyo,
at gagawin niya ito.
25
Mga kapatid, ipanalangin din ninyo kami. 26 Batiin ninyo ang lahat ng
mga mananampalataya bilang mga minamahal na kapatid kay Cristo. 27
Inaatasan ko kayo sa pangalan ng Panginoon na basahin ang sulat na ito
sa lahat ng mga kapatid. 28 Sumainyo nawa ang kagandahang-loob ng ating
Panginoong Jesu-Cristo.
Hebreo
Chapter 13:1-18
Paglilingkod na Nakalulugod sa Diyos
13 1 Patuloy kayong magmahalan bilang magkakapatid kay Cristo. 2 Palaging maging bukás ang inyong mga tahanan para sa mga taga-ibang bayan. May ilang tao noon na nakapagpatulóy ng mga anghel, lingid sa kanilang kaalaman. 3 Alalahanin ninyo ang mga nakabilanggo, na parang kayo'y nakabilanggo ring kasama nila. Damayan din ninyo ang mga pinagmamalupitan, na parang kayo'y dumaranas din ng ganoon.
4
Dapat ituring na marangal ng lahat ang pag-aasawa at maging tapat kayo
sa isa't isa, sapagkat hahatulan ng Diyos ang mga nakikiapid at
nangangalunya.
5
Huwag kayong magmukhang pera; at masiyahan na kayo sa anumang nasa
inyo. Sapagkat sinabi ng Diyos, “Hindi kita iiwan ni pababayaan man.” 6
Kaya't malakas ang loob nating masasabi, “Ang Panginoon ang tumutulong
sa akin, hindi ako matatakot. Ano ang magagawa sa akin ng tao?”
7
Alalahanin ninyo ang mga namumuno sa inyo, na nagpahayag sa inyo ng
salita ng Diyos. Isipin ninyo kung paano sila namuhay, at tularan ninyo
ang kanilang pananampalataya. 8 Kung sino si Jesu-Cristo noon ay siya
rin ngayon at magpakailanman. 9 Huwag kayong patangay sa mga sari-sari
at kakaibang katuruan. Mas mabuti para sa atin ang mapanatag ang ating
kalooban sa pamamagitan ng kagandahang-loob ng Diyos kaysa sa
pamamagitan ng pagsunod sa mga walang pakinabang na mga utos tungkol sa
pagkain.
10
Tayo'y may isang dambana, at ang mga paring naglilingkod sa sambahan ay
hindi maaaring kumain ng mga inihandog sa dambanang ito. 11 Ang dugo ng
mga hayop ay dinadala ng pinakapunong pari sa Dakong Kabanal-banalan
upang ialay bilang handog dahil sa kasalanan, ngunit ang katawan ng mga
hayop ay sinusunog sa labas ng kampo. 12 Gayundin naman, namatay si
Jesus sa labas ng lungsod upang linisin niya ang tao sa kanilang
kasalanan, sa pamamagitan ng kanyang dugo. 13 Kaya't pumunta tayo sa
kanya sa labas ng kampo at magtiis din ng kahirapang kanyang tiniis. 14
Sapagkat hindi rito sa lupa ang tunay na lungsod natin, at ang hinahanap
natin ay ang lungsod na darating. 15 [Kaya't] lagi tayong mag-alay ng
papuri bilang handog sa Diyos sa pamamagitan ni Jesus, papuring mula sa
ating mga labi na nagpapahayag ng ating pagkilala sa kanyang pangalan. 16 At huwag nating kaligtaan ang paggawa ng mabuti at ang pagtulong sa kapwa, sapagkat iyan ang alay na kinalulugdan ng Diyos.
17
Pasakop kayo at sumunod sa mga namamahala sa inyo. Sila'y nangangalaga
sa inyo, at mananagot sila sa Diyos sa gawaing ito. Kung sila'y susundin
ninyo, magagalak sila sa pagtupad ng kanilang tungkulin; kung hindi,
sila'y mamimighati, at hindi ito makakabuti sa inyo.
18
Ipanalangin ninyo kami. Nakakatiyak kaming malinis ang aming budhi at
hinahangad naming mabuhay nang matuwid sa lahat ng panahon.
THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS
Mga Awit
Chapter 112:1-10
The Blessings of the Just
112 1 Purihin ninyo ang Panginoon. Mapalad ang tao na natatakot sa Panginoon, na naliligayang mainam sa kaniyang mga utos. 2 Ang kaniyang binhi ay magiging makapangyarihan sa lupa; ang lahi ng matuwid ay magiging mapalad. 3 Kaginhawahan at kayamanan ay nasa kaniyang bahay: at ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man. 4 Sa matuwid ay bumabangon ang liwanag sa kadiliman: siya'y mapagbiyaya at puspos ng kahabagan, at matuwid. 5 Ang ikabubuti ng taong mapagbiyaya at nagpapahiram, kaniyang aalalayan ang kaniyang usap sa kahatulan. 6 Sapagka't siya'y hindi makikilos magpakailan man; ang matuwid ay maaalaalang walang hanggan. 7 Siya'y hindi matatakot sa mga masamang balita: ang kaniyang puso ay matatag, na tumitiwala sa Panginoon. 8 Ang kaniyang puso ay natatag, siya'y hindi matatakot, hanggang sa kaniyang makita ang nasa niya sa kaniyang mga kaaway. 9 Kaniyang pinanabog, kaniyang ibinigay sa mapagkailangan; ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man, ang kaniyang sungay ay matataas na may karangalan. 10 Makikita ng masama, at mamamanglaw; siya'y magngangalit ng kaniyang mga ngipin, at matutunaw: ang nasa ng masama ay mapaparam.
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
---------------------------------------------------------------------------------------------------
EFESO 4:17-18 5:15-17 HEBREWS 4"7
17Sa
pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong
mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos.
Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
HEBREWS 4:7
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO." 2THESSALONIANS 2:2-14
"Tinatawag
kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa
inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."
--------------------------------------------------------------------------------------------------
"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"
THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION
LINKS:
ENGLISH
TAGALOG VERSION
READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG
BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
----------------------------------
-----------------------------------------------------------------
----------------------------------
0 comments:
Post a Comment